Chapter 9: Ang Pagdadalamhati
Chapter 9: Ang Pagdadalamhati
Dinala ni Chu Qiao si Xiao Qi pabalik sa kanilang patyo. Pagkatapos ay mabilis na pinasok nya ito sa silid upang linisin ang sugat at lagyan ng gamot. Napakahusay ng gamot na bigay ni Yan Xun. Hindi lamang nito pinigil ang pagdurugo, mayroon din itong malumanay at epektibong narkotiko. Sa lalong madaling panahon si Xiao Qi ay nakatulog ng mahimbing.
Si Xiao Ba, na may sakit pa rin at nanatili sa kama, ay nagising. Hindi pa rin sya makatayo ng maayos sa kama. Kaya, tumingin lamang sya upang makita si Chu Qiao na nagpakulo ng tubig habang inalagaan si Xiao Qi. Nakadama siya ng takot.
Ang araw ay lumalalim habang hinahawi ni Chu Qiao ang pawis nito. Ang dami ng sakit na nadama niya mula sa kanyang balikat ay tumitindi. Kinakailangan niyang sumandal sa pader upang makahinga nang mabuti. Nang marinig ang natutulog na may sakit na si Xiao Qi. Para bang may isang tao na lumutak sa kanyang puso ng mahigpit at itinapon ito sa mundong nagyeyelo at niyebe. Isinara niya ang kanyang mga mata upang magpahinga ngunit ang imahe ni Lin Xi ay nagsimulang umikot sa kanyang isip muli. Ang napakagandang ngiti na mukha ng isang dalisay na batang lalaki ay nagiging kaawa-awa ang hitsura, hindi na muling magkaroon pa ulit ng dalisay na imahe.
Isang nag-iisang luha ang bumagsak nang mahigpit nang ipikit ang kanyang mga mata. Dahan-dahan itong dumaloy sa kanyang matalim na baba bago tuluyang bumagsak sa kanyang mga sapatos.
Nang biglang may dumating na nakakatakot na tunog mula sa pinto. Nagulat si Chu Qiao, agad nyang nilapitan ang pintuan at binuksan ito. Nakita niya ang isang 12 o 13 taong gulang na batang babae na nakatayo sa patyo. Nang makita siya ng batang babae, tumakbo ito sa kanya at umiyak, "Yue'er, si Zhi Xiang at ang iba pang mga babaeng alipin ay kinuha ni Zhu Guanjia (ang titulo ng tagapangalaga ng bahay, ie Zhu Shu). Sila ay kinuha!!! "
Kumunot ang noo ni Chu Qiao nang marinig ang mga salitang ito, "kinuha sila? kailan lang ito nangyari?"
"Noong una pang araw. Nalaman ko galing kay Lin Xi. Nagpunta siya sa Fourth Young Master upang magmaka-awa pero natapos na ang isang araw, ano ang gagawin ko?"
"May sinabi pa ba siyang iba?"
Pinunasan ng maliit na bata ang kanyang mga luha, pero umiiyak pa rin, "sinabi... dadalhin daw sila sa kagalang-galang na bahay.
"Ano!?" si Chu Qiao ay napasigaw ng malakas. Alam nya ang mga balita ng nagdaan mga araw na ang matandang nakatira doon ay parang bakulaw. Para siyang natamaan ng tornado ang kanyang mukha ay bigla na lang pumutla.
Si Xiao Ba ay tumayo sa pintuan, nang marinig ang sinabi. Naglakad siya na parang baliw hanggang sa hinatak nya ang damit ni Chu Qiao. Sa isang maliit na boses tulad ng nasugatan siya, tinanong niya si Qiao, "Big Sister Yue, Saan si Big Sister Zhi Xiang at ang iba pa? Nasaan sila?"
Nang mawala ang pagkabigla ni Chu Qiao, tumakbo ito palabas.
"Yue'er!!!" Sa likod niya ang maliit na batang babae ay umiiyak. Ngunit para kay Chu Qiao, hindi siya maaaring bumalik. Ang kabang nararamdam nya ay mabilis na inookupa ang kanyang isip. Hindi niya alam kung ano pa ang dapat gawin, ngunit alam niya na hindi sapat ang oras para mag-isip. Kinakailangang iligtas ang mga bata. Ang maaari lamang niyang pweding gawin sa ngayon ay ang pagtakbo ng mabilis pasulong at hindi titigil ng sandali.
Tinakbo niya ang Qingshan courtyard, ang kuwadra, ang mga hardin at higit pa. Sa wakas, umabot siya sa gate bago ang limang mga kurbang corridors. Ang kanyang mabilis na mga yapak ay huminto habang siya ay naging maingat.
"Sister Yue?" Isang maliit na boses ang narinig mula sa likuran. Lumingon sya at nakita nya si Xiao Ba, nakasuot pa rin ito ng maluwag na kamisol at nakatayo. Hindi man lang sya nakasuot ng sapatos. Nasaan sila sister Zhi Xiang?"
Hinawakan ni Chu Qiao si Xiao Ba at umupo sa tabi ng taninam ng bulaklak. Ito ay taglamig, kaya't ang mga bulaklak ay matagal nang natuyo, subalit sa gabing iyon, hindi na ito makikita.
May mga yapak silang naririnig na papalapit sa kanila, nakita nila ang apat na tao na sama-samang nagtulak ng isang kariton. Ang isang lalaki ay humihila habang ang iba pang tatlo ay nasa gilid. Ang daan na dinaanan ni Chu Qiao ay bahagyang malayo. Maliban sa paglilinis ng mga tagapaglingkod, ang daan na ito ay hindi ito masyadong ginagamit ng ibang tao. Hinapit niya si Xiao Ba malapit sa malabong bulaklak, hinihintay nila na makaalis ang apat na tao.
Ngunit biglang tumigil ang dalawang tao bago sila makalapit sa kung saan si Chu Qiao. Si Xiao Ba ay lubhang natakot, ang kanyang buong katawan ay nanginginig at humawak ng mahigpit sa damit ni Chu Qiao. Hindi siya gumalaw. Isang lalaki na may magaspang na boses ang nagsalita , "Mga kapatid, humayo kayo. Matagal na kaming nagtatrabaho nang walang pahinga, manigarilyo lang ako. "
Ang iba naman ay humalakhak "Lao Liu's addiction para sa tabako." "Tumatawa habang naninigarilyo."
Nagsimula nang mabalisa si Chu Qiao. Ang malamig na hangin ay nagsimulang humampas at ang mga damit ni Xiao Ba ay manipis at marupok. Nagsimula na siyang manginig. Isang malakas na hanging Hilaga ang umihip at ang sapin na nakatakip sa kariton ay lumipad. Binaligtad ito ng hangin nang maraming beses bago tumungo sa lupa. Sa dilaw na banig ay may tumilamsik ng madilim na pulang dugo.
Tiningnan ni Chu Qiao kung ano ang laman ng kariton. Nagulat siya sa kanyang nakita. Tinakpan nya kaagad ang bibig ni Xiao Ba.
Ang liwanag ng buwan ay pumasok sa mga ulap. Ang liwanag na maputlang buwan na iyon ay pumasok sa maliit na kariton, na puno ng mga nakapatong ng mga katawan ng mga bata. Tulad ng isang tumpok ng patay na Tsinong repolyo at labanos. Ang manipis na maliit na katawan ni Zhi Xiang ay nakahubad at puno ng mga pasa. Ang kanyang mga mata ay bukas na bukas, na may madilim na mga namumuong dugo at mga pasa. Ang kanyang mababang katawan ay nasa maruming ayos. Ang kanyang mga kamay at paa ay nakatali sa pamamagitan ng mga lubid na kakaibang posisyon. Ang ayos ay di kanais-nais tingnan.
Habang tinatakpan ni Chu Qiao ang bibig ni Xiao Ba ay pinupwersa rin niya itong yakapin. Ang maliit na bata ay tila nawawalan ng isip, desperadong sinusubukan na itulak siya at makaalis. Ang mga malalaking patak ng mainit na luha ay tumama sa braso ni Chu Qiao at ang kanyang mga ngipin ay bumaon sa laman ni Chu Qiao. Lumabas ang dugo mula sa kanyang pulso kung saan siya ay nakagat ngunit nanatili pa rin siyang nakahawak sa kapatid. Kahit na ang kanyang dugo ay dumadaloy sa lupa sa mga palumpong ng bulaklak. Ang liwanag ng buwan ay hindi pa rin sila makikita.
Hindi niya alam kung mga ilang oras sila nanatili sa lugar, bago hinila ng mga tao ang kariton paalis. Nandoon pa rin sila sa lugar ng kamatayan. Sa wakas niluwagan ni Chu Qiao ang pagkakahawak, nakita niya ang kanyang kamay na nasugatan. Masyado talagang nadiinan ni Xiao Ba ang pagkagat nito. Sinubukan ni Chu Qiao na kausapin pero bigo siya. Sinampal ni Chu Qiao si Xiao Ba at tinawag ang kanyang pangalan upang magising.
Ang hangin ay napakalamig sa ilalim ng mga palumpong ng bulaklak. Ang gabi ay payapa kahit maririnig mo ang mga musika sa palasyo. Parang ang bahay na iyon ay nasa ibang parte ng mundo.
"Pinatay nila sila..."
Ang anim na taong gulang na bata sa wakas ay nagsalita nang nakatitig kay Chu Qiao, Dapat alis... ... patayin sila..."
Si Chu Qiao ay di tumitinag ng mga sandaling iyon.
Ang umiiyak na si Xiao Ba ay naghalukay sa paligid, naghahanap nang kung anuman. Nakakita siya ng bato sa taninam ng mga bulaklak at bigla niya itong pinulot, tumayo at nagsimulang lumakad palayo. Mabilis na nahawakan ni Chu Qaio ang braso ng kapatid at hinawakan niya ito ng mahigpit.
"Gusto ko silang patayin!!!, patayin sila!!!" Sigaw ng bata. Ang kanyang mukha ay parang nababaliw, puno ng poot, kawalan ng pag-asa at mga luha. Parang mawawalan siya ng malay sa sandaling iyon.
Parang may isang kutsilyo ang tumusok sa puso ni Chu Qiao habang hinahawakan niya ang kapatid ng mahigpit at ang mga luha ay nagsimulang dumaloy.
Mga hayop, mga halimaw! Dapat silang lahat ay mamatay!!!. Sampung libong beses na kamatayan ay hindi sapat upang hugasan ang mga halimaw na ito.
Wala na kahit ni minsan siyang kinasusuklaman ng ganito kundi ngayon lang. Hindi niya ninais na pumatay ng tao hanggang sa sandaling ito. Ang galit na kanyang nararamdaman ay umabot hanggang sa kalangitan. Galit! Poot! Pagkasuklam sa lahat ng taong gumawa ng masama sa mundong ibabaw. Galit siya sa sariling kahinaan, galit sya sa sarili dahil wala siyang magagawa. Galit siya sa sarili dahil hanggang sa pagtingin ng kapwa mahina lang ang kaya niyang gawin at wala siyang magawang maipagtanggol ang mga ito. Ang batang niyakap niya ay nanghihina habang humahagulgol ito at naghinagpis. Kung sa sandaling ito ay meron lang siyang machine gun, ay hindi siya magdadalawang-isip na ipaputok ito sa tahanan ng mga halimaw. Lahat!
Talagang kaawa-awa, walang-wala siya. Wala siyang anumang bagay; walang pera, impluwensiya, background, mahusay na kasanayan o isang mahusay na armas ... .. ang maaari lang niyang gawin ay tumayo doon sa maliit na katawan ni Jing Yue na may ibang kaluluwa. Bagaman siya ay may ilang libong taon na nagkakahalaga ng kaalaman at katalinuhan, ngunit sa sandaling iyon, ang magagawa niya ay magtatago sa mga kumpol ng bulaklak, maingat na itinatago ang sarili. Hindi rin pweding banggitin ang kanilang tapang.
Tumingala si Chu Qiao sa nagyeyelong buwan habang unti-unti niyang pinahinahon ang sarili. Sumumpa siya sa kanyang sarili. Ito ay ang una at katapusang aking mararanasan, ayaw ko na nang pangalawang pagkakataon na ganito. Ang walang pagkakaroon ng tinig sa mundo ng mga buhay. Ang walang pagkakaroon ng kakayahan upang mabuhay o ipagtanggol ang sarili. Ang ganitong uri ng sitwasyon ... hindi niya gusto ang ganito !!!
Ang malamig na buwan ay parang tubig napakalawak nito para sa malaking tahanan. Ang dalawang maliliit na alipin na yumuyuko sa hardin ng mga bulaklak, nagyumukyok na parang mga asong-ulol, nakahawak sa isa't-isa nang mahigpit. Kumukulo sa galit, sobrang galit, sapat na para gibain ang langit at lupa.
Nang dumating sila sa kanilang patyo ay napakalalim na ng gabi. Hindi sila pumasok sa pinto nang makita nila itong bumukas ng malaki. Si Chu Qiao ay alerto at binitawan niya ang kamay ni Xiao Ba. Mabilis silang nagtungo sa ibang pasukan. Ang nakita nila ay isang magulong silid, ang mga kagamitan sa kama ay may mga dugo at mga yapak ng mga malalaking tao pero wala ni kahit isang yapak ni Xiao Qi.
"Yue, bumalik ka!"
Biglang mula sa sulok, isang batang babae ang lumabas mula sa ilalim ng pyre. Nagmadali si Chu Qiao sa paghila sa kanya, "Xiao Qi? Saan nagtungo si Xiao Qi?
Ang batang babae ay nagsimulang umiyak, "Pumunta si Guanjia dito na may mga kasama. Sinabi niya na dahil wala ng mga kamay si Xiao Qi ay wala na rin itong silbi. Binuhat niya ito at sabi itatapon daw sa ilog para ipakain sa mga buwaya."
Nangitim ang mukha ni Chu Qiao at parang gustong himatayin. Ang kanyang puso ay punong-puno, hinila niya ang kamisol ng bata, "Ilang oras na ba ang nakalipas nang sila'y pumunta?"
"Matagal-tagal na rin. Hindi na sya maliligtas..."
Tumalikod siya habang naririnig niya ang mga salitang iyon. Si Xiao Ba ay nakatayo sa may pintuan. Ang kanyang mga mata ay pula, nakatutok ito sa kanya. Pareho silang may mga namumuong luha sa mga mata, pero wala ni isang umiiyak.
"Yue'er"... "Ako ay babalik." "Mag-ingat ka. Narinig ko sa tagapag-laba na si Zhu Shun ay pinupuntirya ka. Ano ang ginawa mo para magalit siya sa'yo?"
Unti-unting huminahon ang dalawang bata ay tahimik na nakatayo sa kanilang bahay. Sa loob ng mahabang panahon ay nakatayo sila roon nang hindi nagsasabi ng isang salita.
Ang mga drums ay tumunog hudyat ng tatlong gabi ng pagbabatay. Ang natitirang dalawang mga bata ng Jing ay dumaan sa asul na kagubatan na bato, sa wakas ay tahimik na dumating sa Pavillion Lake. Ang malamig na hangin ay mas nagpapasama sa gabi. Ang mga kawayan sa paligid ng lawa ay yumuyuko. Ginawa itong kalmado, patay ... ..Kung ito man ay araw o gabi, wala itong kaibahan.
Si Chu Qiao ay nagtungo sa lake kasama si Xiao Ba, "Xiao Ba, luhod. Yuyuko tayo para sa ating mga kapatid.
Si Xiao Ba ay pitong taong gulang lamang. Sa kanyang mga karanasan ngayong gabi, nawala ang kanyang pangkawalang-muwang. Lumuhod siya sa tabi ni Chu Qiao at yumuko tungo sa Pavillion Lake. Yumukod ng tatlong beses.
"Xiao Ba, galit ka ba sa lugar na ito?"
Tahimik siyang tumango. Sa malumanay na boses si Chu Qiao ay nagsalita, "Gusto mong umalis?"
"... ..." Si Xiao Ba ay napaisip.
Tumingin ng deritso si Chu Qiao. Walang alon, walang tunog. Wala siyang nakitang kakaiba sa paligid. Sumulyap siya nang kaunti bago nagsalita ng mahinahon, "Maliit kong kapatid, pinapangako ko, iaalis kita sa lugar na ito, pero bago ang lahat may kailangan lang akong gawin. At pag natapos ko ay aalis na tayo dito.
Tahimik na tumango si Xiao Ba habang nakayuko pa rin sa lupa. Nagsalita ulit si Chu Qiao, "Ang kapatid na si Zhi Xiang ay palaging nananalangin pero di ko alam kong ano ang mali, ang ating Panginoon ay bingi. Kasama ang ating kapatid na lalaki at kapatid na babae ay nagsisimula na silang maglakad patungo sa langit. Maghintay lang tayo sa loob ng walong buwan, ang kapatid mong ito ay maghihiganti para sa'yo."
Sa lakas ng hangin, at ang gabi ay madilim, mataas sa mga libis na malapit sa lawa, dalawang anino ay nakasalalay sa isa't isa, magkahawak ang mga kamay nang mahigpit.
Comments
Post a Comment