Posts

Showing posts from September 1, 2017

Chapter 7: Ang Pagpapasya

Chapter 7: Ang Pagpapasya Sa gabi, ang lahat ng mga bata ay tinawag pa rin upang magtrabaho. Kahit na ang malubhang nasugatang sina Xiao Qi at Zhi Xiang ay kasamang tinatawag. Gayunpaman, si Chu Qiao at Xiao Ba na malubhang nasaktan sa baywang ay nanatili sa bahay. Sila ay nakatulog hanggang sa gabi nang ang iba pang mga bata ay bumalik na pagod mula sa trabaho. Pagkatapos kumain ng hapunan, umakyat ang mga bata sa kanilang mga higaan upang matulog. Si Zhi Xiang ay nanatili sa sahig ng kahoy na panggatong upang mapanatili ang apoy upang ang kuwarto ay manatiling mainit. Ang mga galos sa kanyang mukha ay pula at namamaga. Tumingin siya na galit tulad ng isang maliit na ahas. Ang kuwarto ay naging napaka mapayapa at ang lahat ng naririnig mo ay ang tunog ng paghinga ng mga bata na habang unti-unting bumubulusok sa pagtulog. Si Chu Qiao na may suot na damit na ibinigay sa kanya ni Zhi Xiang, ay nakaupo sa kama at nagsalita sa isang malambot na tinig, "Kung hindi mo gamutin an...

Chapter 6: Ngipin sa Ngipin

Kabanata 6: Ngipin sa Ngipin Ang gabi ay unti-unting lumalalim, ang malamig na hangin ay humihiwa na parang kutsilyo. Kahit ang kanyang buong katawan ay naghihirap at gustong madurog, pinilit ni Chu Qiao ang sarili na tumayo. Siya ay gumalaw at lumakad  sa loob ng kwarto, pabalik-balik at sinasaklaw ang kanyang paligid. Paminsan-minsan, kailangan niyang huminto at ikiskis ang kanyang mga kamay upang maiwasan nya'ng maging yelo sa mahangin at malamig na kwartong kanyang kinaroroonan na puno ng kahoy na panggatong. Nang dumating ang hating gabi, naririnig nya ang isang malakas na tunog ng tambol. Nagulat ang bata sa biglaang pagtunog kaya sya ay napahinto at maingat na inaalam kung saan ito nanggaling. Ang isang maliit na ulo ay dahan-dahang lumitaw at tumitingin-tingin sa pamamagitan ng mataas na bintana. Isang pares ng maliwanag at mausisa na mga mata ay maingat na tumingin sa palibot ng silid ng kahoy na panggatong at natagpuan si Chu Qiao na nakatayo sa lupa. K...