Chapter 6: Ngipin sa Ngipin
Kabanata 6: Ngipin sa Ngipin
Ang gabi ay unti-unting lumalalim, ang malamig na hangin ay humihiwa na parang kutsilyo.
Kahit ang kanyang buong katawan ay naghihirap at gustong madurog, pinilit ni Chu Qiao ang sarili na tumayo. Siya ay gumalaw at lumakad sa loob ng kwarto, pabalik-balik at sinasaklaw ang kanyang paligid. Paminsan-minsan, kailangan niyang huminto at ikiskis ang kanyang mga kamay upang maiwasan nya'ng maging yelo sa mahangin at malamig na kwartong kanyang kinaroroonan na puno ng kahoy na panggatong.
Nang dumating ang hating gabi, naririnig nya ang isang malakas na tunog ng tambol. Nagulat ang bata sa biglaang pagtunog kaya sya ay napahinto at maingat na inaalam kung saan ito nanggaling.
Ang isang maliit na ulo ay dahan-dahang lumitaw at tumitingin-tingin sa pamamagitan ng mataas na bintana. Isang pares ng maliwanag at mausisa na mga mata ay maingat na tumingin sa palibot ng silid ng kahoy na panggatong at natagpuan si Chu Qiao na nakatayo sa lupa. Kumislap ang mga mata sa tuwa habang itinaas ang kanyang daliri na parang paalala na huwag maging maingay. Gamit ang kanyang mga kamay at binti, mabilis siyang tumalon sa kubol.
Habang ang katawan ng lalaki ay nadadala pa rin sa lamig mula sa labas, mabilis siyang lumapit kay Chu Qiao. Inuunat niya ang kanyang braso at dinala si Chu Qiao sa kanyang dibdib. Hinayaan niya ang isang hibik ngunit sinubukan pa rin niya itong aliwin, "Jing Yue, huwag kang matakot, ako ito, iyong ika-5 na kapatid na lalaki."
Ang bata ay napakabait at mukhang napakabata, marahil ay 8 o 9 taong gulang lamang. Ang simpleng kulay-abo na damit na suot niya ay mas malaki kaysa sa laki nito. Ito ay lumitaw sa kanya kahit na mas maliit at manipis. Kahit na ang kanyang katawan ay hindi pa malaki, siya ay nasa kalahating ulo ng mas mataas kaysa kay Chu Qiao. Ang kanyang mukha ay nagpahayag ng hindi maipahiwatig na kayamutan. Patuloy niyang tinapik ang likod ni Chu Qiao habang niyakap niya ito nang mahigpit. Ang kanyang mga salita ay patuloy na paulit-ulit, "Huwag kang matakot, dumating ang ika-5 kapatid na lalaki."
Hindi niya alam kung bakit, ngunit ang kanyang mga mata ay biglang nabasa, na tila parang kusang-loob na pagtugon ng katawan. Ang mga malalaking patak ng mga luha ay patuloy sa pagpatak hanggang mabasa ang damit ng kapatid.
Ang liwanag ng buwan ay lumiwanag sa pamamagitan ng maliit na bintana na nag-iilaw sa dalawang maliliit na bata. Sa pagitan ng langit at lupa, malamig ito. Ang tanging bakas ng init ay nasa pagitan ng dalawang maliliit na dibdib. Ang maliit na katawan ng lalaki ay tulad ng isang matigas na bundok sa malamig na gabi na ito. Kahit na ang kanyang katawan ay nanginginig dahil sa takot, pero siya ay nanindigan pa rin sa kanyang kapatid na babae, hinawakan nya ang mga kamay nito.
"Yue, ikaw ay nagugutom, tama ba?"
Inilabas ng batang lalaki ang kanyang hawak at umunat ang kanyang maruruming mga daliri at dahan-dahan na pinunasan ang mga luha ni Chu Qiao. Pinakita nya ang isang masiglang ngiti at sinabing, "Tingnan mo kung ano ang dinala sa iyo ng ikalimang kapatid."
Kinuha niya ang isang maliit na tela mula sa kanyang likod at binuksan ito kaagad. Ang isang masarap na amoy ay agad na nalalanghap ng kanyang ilong. Tumingin siya upang makita pa rin si Chu Qiao na nakatayo at tuliro kaya siya ay nalilito rin.
"Upo ka."
Ang lumitaw ay isang mabigat na ceramic blue and white bowl. Maaari mong sabihin na ang kulay nito ay nagsimulang lumabo at may ilang maliliit na basag. Ang mangkok ay puno ng lutong bigas na may mga berdeng gulay. Walang masyadong langis ngunit ang amoy ay parang masarap pa rin. Ibinigay sa kanya ng batang lalaki ang isang pares ng mga chopstick.
"Bilis, kumain ka."
Ibinaba ni Chu Qiao ang ulo upang mabilis na ilagay ang isang subo ng kanin sa kanyang bibig. Ito ay labis na maalat dahil sa kanyang mga luha at ang kanyang lalamunan ay medyo barado. Siya ay ngumuya tulad ng isang makina habang siya'y malumanay na humihikbi. Ang lalaki ay natuwa na tumitingin sa kanya, binubuksan ang kanyang bibig na para bang tinuturuan niya ito kung paano ibuka ang bibig at ngumuya. Ang pagmamasid sa kanyang kapatid na babaing kumakain ay nagpapasaya sa kanya na pati ang kanyang mga mata ay sumigla.
Nang bigla s'yang nakakuha ng isang bagay mula sa mangkok. Ito ay isang maanghang na piraso ng baboy.
Ang isang piraso ng karne ay kasing-laki ng hinlalaki ay medyo sunog, kalahati taba kalahati laman. Ngunit sa partikular na madilim at malamig na gabi, ang karne ay hindi nakapagtataka na mainam pa rin.
Nang biglang may isang malakas na tunog silang narinig. Tumingin si Chu Qiao upang makita ang bata na humihimas sa kanyang tiyan at parang napahiya. "Tapos na ako kumakain, hindi ako nagugutom" sabi niya nang may sinadya na pagwawalang bahala.
Mabilis na ibinigay sa kanya ni Chu Qiao ang kanyang mga chopstick, "Kumain ka."
Umiiling ang ulo ng lalaki, "Kami ay kumain ng mabuti ngayong gabi. Ang pang-apat na batang amo ay nagbigay sa amin ng mga dagdag na pagkain. Meron kaming nilagang isda, matamis at maasim na baboy, pork tenderloin na may suka, puting pato. Marami akong nakain na gusto kong sumuka. Hindi ko gustong kumain ng kahit ano ngayon. "
Si Chu Qiao ay nagmatigas at binigay pa rin ang chopsticks patungo sa kanyang kapatid na lalaki, "Ayaw kong kumain ng taba."
Siya ay bahagyang namangha nang ilang sandali habang siya ay tumingin kay Chu Qiao. Sa pagtingin sa red-roasted na baboy, nilamon niya ang kanyang sariling laway nang hindi inakala. Matagal pa niya bago kinuha ang chopsticks sa kamay ni Chu Qiao. Maingat, binuksan niya ang kanyang bibig upang kainin ang taba. Pagkatapos, ibinalik niya ang natitirang karne para kay Chu Qiao, nakangiti na nagsisiwalat ng kanyang mga ngipin, "Yue, makakain ka na ngayon."
Ang kanyang ilong ay naging maasim, habang mabilis niyang ibinababa ang kanyang ulo na lumalaban sa kanyang mga luha.
Medyo matagal pa bago bumalik ang katinuan ng kanyang sarili. Tumingin siya sa batang lalaki at ngumiti habang binuksan niya ang kanyang bibig upang kainin ang karne.Nginuya nya ito at ngumisi.
"Yue, masarap ba?"
Si Chu Qaio ay tumango ng masigla. "Pang-limang Kapatid ito'y napakasarap, kahit na ito'y nasobrahan sa pagluto, ito ang pinakamasarap na pagkain.
"Stupid." Inunat ng batang lalaki ang kanyang kamay at hinipo ang ulo ni Chu Qiao, bahagyang lumungkot ang mukha. "Ito lang ba nalalaman mo? Ito ay masyadong maaga pa upang sabihin mo ang mga bagay na iyan. Huwag mong sabihin ang ganong mga salita sa hinaharap. Tayo ay mga bata pa, malay natin kung anong mga masasarap na pagkain ang kakainin natin sa hinaharap. Ngunit maaari kang makatiyak, sa hinaharap itong ika-5 kapatid mo na lalaki ay makapagbibigay sa'yo ng mga masasarap na pagkain at magagandang damit na isusuot mo. Sa mundong ito, mayroong lahat ng mga uri ng magagandang bagay na makakain, hindi lamang ang baboy. Mayroong ginseng, abalone, pugad ng ibon, at palikpik ng pating at marami pang pagpipilian. Lahat ng iyong nanaisin. Sa panahong iyon, wala ng mag-aabala sa atin. Yue, naniniwala ka ba sa kapatid mo?"
Tumango si Chu Qiao, habang sinusubukang lunukin ang lahat ng kanin sa kanyang bibig. Kahit na ang lasa ay mapait, mainit pa rin ito.
"Yue, huwag kang matakot." Kinuha ng bata ang kanyang balabal at inilagay ito sa mga balikat ni Chu Qiao. Sa isang malambot ngunit matatag na boses ay sinabi niya kay Chu Qiao matapos itong kumain, "Ang iyong panglimang kapatid na lalaki ay maprotektahan ka. Dito lang ako sa tabi mo. Huwag kang matakot. "
Ang liwanag ng buwan ay malamig. Ang ilaw at mga anino ay lumalantad sa mga puwang ng kwarto ng mga kahoy na panggatong. Sa ilalim ng malaki at maliwanag na buwan, makikita ang dalawang maliliit na katawan ng mga bata ay mahigpit na nakayakap sa isa't-isa. Maliliit sila bagamat damang-dama nila ang init at pagmamahal bilang magkapatid.
Sa malayo, may mga magaganda at makikintab na ilaw. Maririnig ang mga musika, ang mga tumitikim ng alak ay lasing na, at ang naaamoy ng karne na lumilipad sa hangin. Sa lungsod ng Zhen Huang , sa wakas ang piging ay natapos na rin. Sa ilalim ng maliliwanag na ilaw, walang naka-alala sa batang babae na nakaligtas sa bingit ng kamatayan sa pangangaso kaninang umaga. Sa malamig na pagsipol ng hangin ang bandila ng Great Xia ay wumagayway.
Kinabukasan nang nagising si Chu Qiao, nawala na ang kapatid na lalaki. Sa lupa ay may nakasulat na maliit at kaakit-akit na mga titik: 'ika-5 Brother ay bumalik ngayong gabi, sa ilalim ng kahoy na panggatong ay may isang pinasingawang tinapay.'
Inalis ni Chu Qiao ang kahoy mula sa sulok at nakita ang isang bag na may dalawang dilaw na tinapay sa loob. Hinawakan niya ang mga ito sa isang tahimik at kalmadong pag-iisip, ang kanyang mga mata ay unti-unting umiinit.
Tatlong araw na ang lumipas, ngunit walang sinumang nakakaalam sa batang babae na naka-kulong sa kubol. Bawat gabi ang batang lalaki ay nagdadala sa kanya ng makakain at upang samahan siya, pagkatapos ay umalis sa susunod na araw nang tahimik. Sa ikatlong araw, gayunpaman, ang pintuan sa harap ay nabuksan. Lumakad na may pagmamayabang si Zhun Shun sa isang kahanga-hangang paraan. Naghahanap sa paligid ng kubol, siya ay nagulat ng makita ang batang babae na buhay pa pagkatapos ng tatlong araw. Sanhi nito ay biglang kumulubot ang kanyang noo. Sa wakas, tinawag niya ang isang katulong upang palabasin siya sa kubol.
Sa paghakbang palabas mula sa kubol na iyon, tumayo si Chu Qiao sa bungad at nakatanaw sa sirang bahay. Sa wakas, ang mga sulok ng kanyang bibig ay tumaas, at pagkatapos ay nagpasya siyang tumungo at tumalikod.
Zhu Shun, Zhuge, Jing, Mu, Che, Yan....
Dahan-dahan niyang ipinikit ang kanyang mga mata, pagkatapos ay itinaas ang kanyang ulo at nakatanaw sa araw. Sumikat ang araw sa kanyang ulo, na iniiwan ang isang magandang anyo. Ang ginintuang araw ay lumiwanag, tulad ng pagbibigay ng buhay sa isang agila na malaya at lumilipad pataas na may pagpapahalaga sa sarili.
Habang papalayo sila mula sa kubol, mas lalo itong hindi nagmukhang gaanong kahalaga. Habang siya'y naglalakad sa paikot-ikot na daan ay makikita nya na may mga batang nakakubli sa paligid na tumitingin sa kanya ng palihim. Pagdating sa isang patyo, agad na umalis ang alipin. Biglang napalibutan siya ng isang malaking grupo ng mga bata, hinahawak siya nang mahigpit.
"Ika-anim na babaing kapatid, bumalik ka!"
"Ika-anim na kapatid, akala namin di ka na babalik."
"Kapatid Yue ..."
Humihikbi ang mga bata nang sila'y magsimula nang magsalita nang sabay-sabay silang lahat ay napaluha. Si Chu Qiao ay nagulat, ang nagawa lamang n'ya ay tumayo roon habang nagtutulak ang mga bata sa paligid niya, na dala ang mga luha at ang uhog ng mga bata.
"Tama na, umayos kayo, huwag umiyak."
Biglang may isang boses ng lalaki ang narinig. Ang mga bata ay lumingon at agad na sumigaw ng kagalakan, "5th Brother!"
Ang batang lalaki ay dumating mula sa labas na may hawak na isang bag na tela. pagkatapos lamang ng dalawang hakbang, biglang bumangga siya sa isang bagay at isang bulsa ng mga binhi ng melon ay sumabog sa lupa. Ang mga bata ay natuwa, hinayaan si Chu Qiao na pumunta, at tumakbo patungo sa kanya.
"Huwag kayong mag-away, may sapat para sa lahat." Sinabi ng batang lalaki habang sinusubukang maging tulad ng isang may sapat na gulang, "Si Yue, ay nakaligtas lamang sa kamatayan at seryosong nasaktan. Ang bawat isa sa atin hindi siya abalahin ng ilang mga araw. Dapat ang bawat isa ay tumutulong sa kanya at sa kanyang trabaho!"
Ang mga bata ay tumatango-tango tanda ng pag-sang-ayon sa kapatid na lalaki. Isang batang babae na may terintas ang umakay sa kanya na nakangiti, "5th Brother, huwag kang mag-alala. Tutulungan namin ang ika-6 na kapatid na babae sa kanyang mga gawain."
"Kapatid, Xiao Qi, ang mga sugat mo ba ay gumaling na? Paano ka nakakatayo mula sa kama?"
"5th Brother, magaling na ako." Tumingin ang bata ng may isang ngiti at pagkatapos ay inayos ang kanyang manggas. Nakita ng kapatid na lalaki na ang mga pasa na kulay lila ay ay naging kulay berde na at ang iba ay hindi pa ganap na gumaling. Si Xiao Qi ay nakangiti pa rin, "Ang dala mong gamot ay talagang epektibo. Ang mga pasa ay di na masakit. Si Xiao Ba ay sinipa ng kabayo kahapon sa beywang habang sya ay nagpapakain. Kailangan ko siyang tulungan.
"Lin Xi, pumasok ka. Mayroon akong sasabihin sa iyo." Isang biglang batang babae ang biglang dumating, hinila ang kamay ng bata.
Bago tumungo, ang batang lalaki ay tumingin kay Chu Qiao, "Yue, malamig sa labas, pumasok ka rin."
Sa maliit na bahay ay may isang malaking kama, maayos na nakasalansan sa 10 sets ng bedding. Sinabi ng batang lalaki na nagngangalang Lin Xi, "Big Sister Zhi Xiang, ano ang nangyari?"
Si Zhi Xiang ay hindi matanda, siya ay nasa mga higit sampung taon. Tumingkayad siya upang buksan ang isang madilim na butas at hinugot ang isang maliit na kahon. "May limang araw na lamang ang natitira hanggang sa anibersaryo ng pagpatay ng pamilya Jing. Narito ang insenso, kandila, at papel na pera na gusto mong ipahanda sa akin nang lihim, handa na kami. "
Tumango si Lin Xi, "Mag-ingat kang mabuti baka malaman ng tagapangasiwa."
"Huwag kang mag-alala, walang pupunta dito sa amin. Ikaw ang dapat na mag-ingat, dahil nasa bahagi ka ng ating ika-apat na amo. Noong isang-araw bago kahapon, nakikinig ako sa pag-uusap sa laundry room. Sinabi ni Tao na pinatay ng apat nating amo ang dalawa sa kanilang mga kasama sa pag-aaral. Ang master ay wala sa bahay, kaya ang pinahalagahang batang-amo ay hindi maamo. Wala silang anumang kundisyon. Basta noong nakaraang buwan ay pinatay ng matandang amo natin ang higit pa sa 20 na katulong na babae. Ngayong nandito tayo lahat, natatakot ako na isang araw na ito tayo ay susunod."
Sa sandaling iyon, isang biglang malakas na boses ang narinig mula sa labas. "Oh, ang mga murang alipin na ito ay mangangahas na magnakaw ng isang bagay? Sa palagay mo ay hindi kita papatayin? "
Kumunot ang noo ni Lin Xi. Ngunit bago siya makalabas, hinawakan siya ni Zhi Xiang at binulong sa isang mababang tinig, "Doon ka sa likod dumaan. Hindi ka nila dapat makita rito. Papatayin ka ng apat na batang panginoon. "
"Ako..."
"Dalian mo!!!"
Sa di-inaasahan, maaaring magamit ang ganitong krudo sa likod ng pintuan na maaaring gamitin ni Lin Xi. Hinawakan ni Si Zhi Xiang ang braso ni Chu Qiao, "Anuman ang mangyayari, huwag kang lalabas!" Sinabi niya sa mababang tinig, pagkatapos nagmamadaling tumakbo sa labas.
Sigaw at pumilantik na latigo ang biglang umalingawngaw. Ang matabang babae ay kumampay ang kanyang kamay at nagsisisigaw sa galit, "Hindi ito isang bagay na gagawin ni Princess Jing ng nakaraan. Bilang kabawasan sa sitwasyong ito ngayon. Ang iyong mga matatandang kapatid na babae ngayon ay nagtatrabaho sa mga namumulaklak na lugar na tulad ng mga puta at ikaw dito ay mga batang magnanakaw. Ito ay talagang isang kasuklam-suklam na mababang-uri ng pugad!"
"Tita Song, alam namin na mali kami, hindi kami maglakas-loob." Si Zhi Xiang ay nakatayo sa harap, hinarang siya mula sa ibang mga bata. Ang kanyang mukha ay maraming latay ng latigo, at ang dugo ay bumahid na sa kanyang katawan. Lumuhod pa rin siya habang humahawak sa palda ng babae na humihingi ng awa, "Hindi kami mangahas!"
"Alam nyo ang inyong mga mali!? Nakita ko wala kayong pangmatagalang memorya!"
Ang hagupit ay walang awa na lumatay sa katawan ng mga bata. Ang naka-terintas na si Xiao Qi ay nasugatan na, at pagkatapos ng ilang mga latigo, natumba sya. Ang kanyang mga mata ay lumigid, at ganap na nanghihina. Ang mga bata ay pumalibot sa kanya, umiiyak nang malakas, ngunit ito lamang ang dahilan upang matamaan sila ng latigo ng mataba na babae. Gusto nyang umiyak pa ang mga bata ng malakas kaya itinaas niya ng todo ang kanyang latigo.
Shua ~, ngunit walang malubhang sigaw ang lumabas pagkatapos. Ang tiya Song ay tumingin pababa upang makita ang isang batang babae na nakatayo sa harap. Magaspang, matangkad, at manipis, ngunit ang kanyang mga mata ay masyadong malamig. Ang kanyang maruming mga kamay ay mahigpit na nakahawak sa latigo. Tumitingin na may mababang boses, "Tama na yan."
Ang tita Song ay galit na galit, "Ang patay na babae? Mahal mo ba si kamatayan!?"
"Yue!? Yue, bitawan mo bilis! "Si Zhi Xiang ay umakyat mula sa kanyang mga tuhod hinawakan ang shirt ni Chu Qiao, umiiyak at sumigaw" Humihingi ng paumanhin sa tita Song! "
Si Chu Qiao ay hindi gumalaw at nanatiling nakatitig sa matabang babae. "Subukan mo silang galawin at saktan ulit."
Ang mga mata ni Tita Song ay nakatutok sa kanya "Hindi ko sila gagalawin, sa halip ay ikaw ang makakatikim sa akin!" Pagkatapos ay itinuon ang latigo kay Chu Qiao ngunit sinalo nya ito. Sinubukan nyang alisin ito sa kamay ni Chu Qiao. Naghintay si Chu Qiao ng tamang sandali bago nya pinakawalan ang latigo sa kanyang kamay, at inilagay ang kanyang paa sa ilalim ng katawan ng babae habang itinutulak siya sa baywang. Ang napakalaki at napakataba ng katawan ng babae ay nahulog sa lupa na may malakas na BANG!
Siya ay napatili tulad ng isang baboy. Si Chu Qiao ay lumakad sa harap ng babae nang dahan-dahan at pagkatapos ay umirap "Magrereklamo ka?"
Si tita Song ay tumalon at sumigaw "Hintayin mo lang ako!" Pagkatapos ay tumalikod at nagmamadaling umalis.
Nababahala si Zhi Xiang, na may nababagabag na mga luha na dumadaloy. "Yue'er, ikaw ay nasa malaking kapahamakan! Bakit mo ginagawa ito? "
"Bantayan mo sila." Sinabi ni Chu Qiao bago tumalikod upang sundan ang mataba na babae.
Naisaulo niya ang ruta nang lumakad sila sa daan. Matapos bumaling sa dalawang daan, nakita niya ang mataba na babae sa isang tulay na bato, mabilis na tumatakbo. Ang kanyang matabang katawan ay may kasapatan lamang tumakbo at humihingal na kaagad. Naghahanap si Chu Qiao ng isang makapal na damo, nagtatago. Matapos masiguro ang sarili, Kumuha siya ng isang bato, inaninag nyang mabuti, at pagkatapos ay itinapon ito sa bukung-bukong ng babae.
Crack! Ang mabigat na bato ay tumama sa bukung-bukong ni Tita Song. Siya ay sumigaw sa sakit habang ang kanyang paa ay tumalilis mula sa ilalim ng kanyang katawan. Agad siyang nahulog mula sa tulay.
Sa taglamig, ang lawa ay nagyelo, matatag ang yelo. Ang yelo ay hindi nabiyak nang bumagsak si Tita Song, nakahiga lang sya doon, humandusay sa yelo at umiiyak.
Tumayo si Chu Qiao mula sa sa kumpol ng mga damo, unti-unting lumalakad papalapit sa tulay na bato. Tumingin siya at sumigaw "Hoy ikaw! Kailangan mo ba ng tulong sa pagtawag ng mga tao? "
Ang babae ay lumingon at ngumiti "Mabait na bata, humayo ka at tulungan mo ako.. Oh ... ang sakit para akong mamamatay. "
Si Chu Qiao ay ngumiti nang maliwanag. Nagtungo siya upang kunin ang isang malaking bato, at sinikap na hawakan ang malaking bato sa kanyang ulo. Nakita ito ng babae at bigla itong natakot "Ikaw ... Anong gagawin mo?"
Hindi binibigyan ni Chu Qiao ng pagkakataon na makasigaw at binitawan ang bato. Bang bang. Nabasag ang yelo. Ang babae ay sumigaw, ngunit mabilis na tumahimik nang ang buong lawa ay sumipsip sa kanya. Ang mga bula na lamang ang maaring makita at si tita Song ay nalunod.
Nakatayo pa rin si Chu Qiao sa tulay, kalmado. Hindi mo makikita ang anumang bakas ng pagbabago sa mukha.
Ito ay ang mundo na kumakain ng mga tao. Kung nais mong mabuhay, maaari ka lamang kumain ng mga mabangis na hayop bago maaaring kainin ito ng ibang tao.
Walang kaunting pag-aatubili, bumalik si Chu Qiao at lumakad pabalik. Habang siya ay papasok sa patyo, ang mga bata ay sama-samang tumakbo. Lahat sila ay sugatan at umiiyak. Inayos ni Chu Qiao ang kanyang kamay sa harap ni Xiao Qi, na kagigising lang. Huminga nang malalim, bumulong si Chu Qiao, "Huwag kayong matakot, yun ay nararapat."
Sa Zhuge's residence, ang mga pinakamababang alipin ay tulad ng isang pangkat ng mga baboy at aso, at ang pinakamababa na babaeng alipin ay hindi na nakatitiiis at napaluha sa sakit.

Comments
Post a Comment