Chapter 7: Ang Pagpapasya

Chapter 7: Ang Pagpapasya

Sa gabi, ang lahat ng mga bata ay tinawag pa rin upang magtrabaho. Kahit na ang malubhang nasugatang sina Xiao Qi at Zhi Xiang ay kasamang tinatawag. Gayunpaman, si Chu Qiao at Xiao Ba na malubhang nasaktan sa baywang ay nanatili sa bahay. Sila ay nakatulog hanggang sa gabi nang ang iba pang mga bata ay bumalik na pagod mula sa trabaho. Pagkatapos kumain ng hapunan, umakyat ang mga bata sa kanilang mga higaan upang matulog. Si Zhi Xiang ay nanatili sa sahig ng kahoy na panggatong upang mapanatili ang apoy upang ang kuwarto ay manatiling mainit. Ang mga galos sa kanyang mukha ay pula at namamaga. Tumingin siya na galit tulad ng isang maliit na ahas.

Ang kuwarto ay naging napaka mapayapa at ang lahat ng naririnig mo ay ang tunog ng paghinga ng mga bata na habang unti-unting bumubulusok sa pagtulog. Si Chu Qiao na may suot na damit na ibinigay sa kanya ni Zhi Xiang, ay nakaupo sa kama at nagsalita sa isang malambot na tinig, "Kung hindi mo gamutin ang sugat sa iyong mukha, ay mag-iwan ito ng peklat."

Ang mukha ni Zhi Xiang ay nagsimula na tumuyo dahil sa init ng apoy, ngunit ang mga apoy ay nagliwanag din sa kanyang maliit at manipis na mukha. Naging lalong lumalaki at umiitim ang kanyang mga mata. Itinaas nya ang kanyang ulo upang magsalita, "Yue bata ka pa, sabihin ko sa'yo, ang isang alipin ay walang karapatang magsalita upang magamot. Ang gamot na ginamit noon kay Xiao Qi ay lihim na dala ni Lin Xi. Hindi namin alam kung gaano kalaki ang isang panganib na lihim niyang kinuha ito para magamot ang ating kapatid. Kung matutuklasan ng mga amo natin ang tungkol dito, lahat tayo ay papatayin. Ito ay isang sugat lamang sa aking mukha ... hindi tayo maaaring gumawa ng hindi makatwiran. "

Nang maglaon, narinig nila ang isang tunog na nagmumula sa kama. Iniharap nila ang kanilang mga ulo upang tumingin upang matuklasan na si Xiao Qi ay sumipa sa kubrekama sa pagtulog nito. Si Zhi Xiang ay dumaluhong sa kanya at ibinalik sa ilalim ng kubrekama. Pinawi niya ang pawis sa kanyang noo bago siya bumalik upang maglagay ng panggatong upang hindi mamatay ang apoy.

Ang bibig ni Chu Qiao ay gumagalaw na parang may sasabihin habang tinitingnan niya si Zhi Xiang ngunit walang anumang salitang lumabas nito. Ang batang ito na mga sampung taong gulang lamang ngunit nagkaroon na ng mabigat na pasanin sa kanyang mga balikat. Ang pinakamatandang anak sa kuwarto ay sampu, ang mga bunso ay 5 o 6 taong gulang. Ano ang gusto ng mga taong mayaman na Zhuge sa mga batang ito?

"Kapatid kong Zhi Xiang," sambit ni Chu Qiao tumayo ito mula sa kama at umupo sa tabi ni Zhi Xiang. "Nakarating na ba kayo sa timog ng Ilog Yangtze?" Tanong niya sa isang malambot na tinig.

"Sa timog ng ilog Yangtze?" Kumunot ang noo Zhi Xiang habang lumingon ang kanyang ulo, "Saan ang timog ng Ilog Yangtze?"

"Ang Dilaw na bundok, alam mo ba ito? O, alam mo ba kung saan ang Ilog Yangtze? "

Umiiling-iling ang ulo si Zhi Xiang, "Alam ko ang tungkol sa Pulang Bukid sa kanluran ng Sichuan at ang Pulang Burol sa ilalim ng Ilog ng Cang Li. Bakit ka nagtatanong?"

Mukhang nawala sa isip si Chu Qiao habang pailing-iling ang kanyang ulo, "Walang dahilan, naitanong ko lang. O tama! Kapatid na babae Zhi Xiang, ano ang pangalan ng kasalukuyang Emperador natin, alam mo ba? "

"Ang Emperador ay ang Emperador, paano natin matawagan ang pangalan ng Emperador? Gayunman, alam ko ang isang prinsipe na dumadalaw sa tirahan na ito, isa sa kanila ang ikapitong anak na lalaki ng Emperador. Siya ay tinatawag na Zhao Che, siya ang ating pinakabatang maharlikang prinsipe. "

Ang mukha ni Chu Qiao ay pumormal na may pag-ismid sa pagbanggit ng pangalan na iyon. Inulit-ulit nya iyon, "Zhao Che?"

"Yue, may mali ba? Buhat ng ikaw'y bumalik para bang may nangyaring kakaiba? Ano ang sinabi mo kay tita Song para pagbigyan niya tayo ng ganito kadali?

Bumaling ang ulo ni Chu Qiao at ngumiti nang dahan-dahan, "Wala akong sinabi. Hindi ka na dapat mag-alala. Ang Tita Song na iyon ay hindi niya tayo tatantanan, ngunit nahulog ito sa malamig na lawa at nalunod. Nakita ko ang kanyang kamatayan sa sarili kong mga mata. Samakatuwid, kung may dumating sa atin, wala tayong nalalaman. "

"Siya ay namatay!?" biglang bigkas at sigaw ni Zhi Xiang.

Mabilis na tinakpan ni Chu Qiao ang kanyang bibig, pagkatapos ay tumingin sa paligid upang tingnan kung ang alinman sa mga bata ay nagising. "Ang bagay na ito, tanging ako at ikaw lamang ang nakakaaalam nito. Huwag mong sabihin kahit kanino. Siya ay isang masamang tao at karapat-dapat na sumpain. Ang patay ay patay na, hindi natin kailangang pang bigyan nang pansin. "

"Yue ... Yue," sabi ni Zhi Xiang nang nanginginig, "Hindi yan ... .kung ikaw ang nagpatay sa kanya, o siya ba ay talagang nahulog sa lawa? Ang kanyang anak na lalaki ay dating Konsul Court House. Hindi namin kayang gawin na maging kaaway niya."

Tumatawa si Chu Qiao, na nagtuturo sa kanyang dibdib, "Sa palagay mo ay kaya kong patayin siya? Well, huwag mag-isip tungkol dito. Gumawa siya ng masasamang bagay, kahit di sya sinubukan patayin, ipapadala pa rin siya ng Diyos sa impiyerno. Pahinga ka na at matulog, nagtrabaho ka nang husto sa buong araw."

Umiling nang mabilis si Zhi Xiang, "Hindi muna, maglalagay ako ng kahoy upang di mamatay ang apoy."

"Ako na ang gagawa. Ako'y may mga sugat, magiging tamad lang ako kinabukasan. Alis ka na.

Si Chu Qiao ay tahimik na nakaupo sa isang maliit na bangko. Paminsan-minsan ay nilalagyan niya ng panggatong ang apoy. Ang kanyang mukha ay pulang-pula habang ang kanyang katawan ay nanginginig. Tumingin siya sa paligid niya. Nakikita nya ang mga bata sa ganitong maliit na silid ng kubol, sumasakit ang kanyang dibdib. Sa kasamaang palad, ano ang maaari niyang gawin? Dumating siya sa isang di-kilalang dinastiya at nakulong sa maliit na katawan ni Jing Yue. Ang lahat ng kanyang mga kasanayan sa sining ng militar ay nawala. Nandoon rin sya sa pinakamababang-uri ng katayuan sa buhay. Bukod sa pagtambay sa sarili, paano siya magkakaroon ng panahon upang iligtas ang ibang tao? Buhay pa rin siya hanggang ngayon dahil sa kabaitan ni Lin Xi sa pagdala ng pagkain sa loob ng tatlong araw. Dapat siyang umalis rito kaagad.

Dahan-dahang ipinikit ni Chu Qiao ang kanyang mga mata upang matahimik ang kanyang isip. Ang isa ay dapat gawin kung ano ang pweding gawin. Ang kanyang kasalukuyang kalagayan ay walang lakas na magdala ng gayong malaking pasanin.

Kapag dumarating ang bukang liwayway, Si Chu Qiao ay dahan-dahang umalis sa pintuan.

-------

Ang mga manok ay tumilaok sa pagbubukang liwayway, napakaganda nang panahon, at lahat ng mga bata ay gumising sa tamang oras. Sa pagbibihis ng mga damit pang-alipin, nagsimula silang maghanda para sa buong araw na gawain. Pinanood sila ni Chu Qiao habang sila'y umalis. Sila ay nakangiti, ngunit may kalungkutan pa rin.

Pagkuha ng ilang ninakaw na pagkain, tinitingnan ni Chu Qiao ang parang patay na si Xiao Ba na nakahiga pa rin sa kama, pagkatapos ay pinilit niya ang kanyang sarili na tumalikod.

Kahit na nawala ang kanyang kasanayan sa militar, mayroon pa rin siyang matalinong isip. Kahit hindi na sya kasing-galing bilang 003, siya pa rin ang isang ahente ng siyam na antas na super-secret agent. Nakatanggap siya ng espesyal na pagsasanay ng mga pambansang sundalo. Sa paninirahan ng pamilya Zhuge, kahit ito ay malaki, sila ay hindi mag-akala sa isang maliit, walang taas na walong taong gulang. Sa kanyang malakas na lohika, kakayahan sa pag-aaral at ang kanyang pakiramdam ng espasyo, ang tirahan ay tulad ng isang hindi protektadong palaruan para sa kanya.

Wala pang 30 minuto matapos siyang tahimik na umalis sa bahay, dumating siya sa pangunahing gate. Ito ay relatibong nababantayan sa mga alertong gwardya na maaaring makita sa lahat ng dako. Ang pamilyang Zhuge ay naiiba sa iba pang mga maharlikang pamilya na naghahanap lamang sa kung sino ang kaibigan ni Zhuge. Si Zhao Che, Zhao Cui, at iba pang mga anak ng hari ay madalas na nakikita sa paligid niya. Tinutulutan ni Chu Qiao ang kanyang likod tulad ng isang maliit na puno, inayos nya ang kanyang damit, tumayo ng matuwid at lumakad sa mga lugar.

"Hinto!! Naghahanap ka ba ng kamatayan? Ito ba ay isang lugar na maaari mong galaan ng walang dahilan?

Isang bantay ang biglang lumapit. Ang kanyang mukha ay pangit at mabangis kung tingnan. Medyo may kalakihan. Itinigil ni Chu Qiao ang kanyang mga lakad at tumingin ang kanyang maliliit at malambot na puting kaibig-ibig na mukha. Ang kanyang malaking magagandang itim na mga mata ay tumingala. Sa pamamagitan ng isang bata na boses siya ay matamis na nagsalita. "Big Brother, ako ay inutusan na pumunta at matugunan ang matandang master. Kung hindi ako makakapunta sa oras na itinalaga, ang aking ulo ang kapalit."

Ang bantay ay nagkunot-noo habang tiningnan niya ang laki ni Chu Qiao. Nagtaka siya kung kailan lihim na binago ng matandang lalaki ang kanyang kagustuhan. Kailan nagsimula siyang mas gusto ang isang batang babae na hindi pa lumaki?

Nalilitong tanong niya, "Sino ang nagsabi sa iyo na pumunta? Alam mo ba kung saan naroon ang kanyang tirahan? "

"Mayroon akong address," siya ay lumingon upang kumislot sa pamamagitan ng kanyang bag at hinila ang isang puting pirasong papel. Pagkatapos ay bumulung-bulung siya habang tumitingin sa kanyang puting malambot na mga kamay, "Mula sa bahay, lumakad patungo sa ikatlong interseksyon, lumiko sa kaliwa sa harap ng Floating Fragrant Restaurant ......."

"Buweno," ang guwardiya ay sumigaw, "Sino ang nagsabi sa iyo na pumunta ka, at bakit wala man lang naghatid sa'yo?"

Tumugon ang bata, "Sinabi sa akin ng Tita Song na pumunta. Kinailangan niyang dalhin ako, ngunit pagkatapos na tumawid sa batong tulay, hindi siya maingat. Siya ay nahulog at  sa palagay ko ay lumubog siya. Kaya hula ko na hindi niya ako masasamahan. "

"Ano !?" Ang bantay ay sumigaw ng malakas na pagka-gulat, na hawak ang balikat ni Chu Qiao. "Sabihin mo sino ang nahulog mula sa batong tulay !?"

"Si Tita Song, ang tagapangasiwa."

Sinampal sya sa kanyang mukha ng maraming beses, pagkatapos ay sinumpa, "Ikaw na munting bastardo, bakit hindi mo sinabi ito ng mas maaga!? Halikayo dali, AH! Sumama ka sa akin upang iligtas siya!"

Si Chu Qiao ay itinumba sa lupa. Ang kanyang mga tainga ay nakikinig ng maigi, tiningnan nya ang bantay na mabilis na naghahanap. Ang kanyang bibig ay nagsimulang bahagyang tumaas na may dalang pag-ismid.

Ang mga sampal na iyon ... .naaalala niya ang mga ito.

Tumayo sya at bumalik sa gate dala ang bag sa kanyang kamay. Ang gate ay may taas ng tatlong tao, inlayed nang gintong vermillion. Ang dalawang panig ay inookupahan ng isang rebulto ng leon na bato. Ipinakilala nito ang kanilang lakas militar. Ang kanilang mga mata ay may mga red lacquer, upang hindi makapasok ang masasamang espiritu mula sa pagdaan sa gate. Ang mga salitang 'Pamilya Zhuge' ay inukit sa gatehouse, ang mga titik ay gawa sa ginto at jade. Ang nakamamanghang tanawin ay nakasisilaw.

Ginawa ni Chu Qiao ang maikling hakbang. Sinikap niyang maigi na makatawid sa kanitong kalagayan. Ang isang paa ay nasa labas at ang isa pa ay nasa loob ng lagusan. Ang maliwanag na sikat ng araw ay tumama sa kanyang katawan at tila na kahit na ang hangin ay mas maaliwalas. Simula ngayon, itoy isang magiging panimulang bahagi ng kanyang buhay. Ang paghamak na kanyang naranasan, ang mga luha na kanyang ibinuhos, laging naaalala niya. Siya ay unti-unting naghahanap ng mga paraan upang mabuhay sa mundong ito. Tahimik na naghihintay na magkaroon ng lakas upang darating ang isang araw na siya ay pweding lumaban at makabangon muli.

Umiiling-iling ang ulo ni Chu Qiao, hinigpitan nya ang kanyang mga labi, huminga nang malalim, at inihakbang ang kanyang paa. Ito ang unang hakbang na kinakailangan upang iwanan ang bulok na hawla.

Sa sandaling iyon, isang pamilyar, nakakabinging sigaw ay umalingawngaw sa kalangitan.

Sa pagkabigla, mabilis na bumalik si Chu Qiao!

Comments

Popular posts from this blog

Princess Agents chapter 2 - Ang Pagsubok

Princess Agents Summary (Tagalog Translation)

Princess Agents Chapter 1 - English Translation