Posts

Showing posts from September 2, 2017

Chapter 9: Ang Pagdadalamhati

Chapter 9: Ang Pagdadalamhati Dinala ni Chu Qiao si Xiao Qi pabalik sa kanilang patyo. Pagkatapos ay mabilis na pinasok nya ito sa silid upang linisin ang sugat at lagyan ng gamot. Napakahusay ng gamot na bigay ni Yan Xun. Hindi lamang nito pinigil ang pagdurugo, mayroon din itong malumanay at epektibong narkotiko. Sa lalong madaling panahon si Xiao Qi ay nakatulog ng mahimbing. Si Xiao Ba, na may sakit pa rin at nanatili sa kama, ay nagising. Hindi pa rin sya makatayo ng maayos sa kama. Kaya, tumingin lamang sya upang makita si Chu Qiao na nagpakulo ng tubig habang inalagaan si Xiao Qi. Nakadama siya ng takot. Ang araw ay lumalalim habang hinahawi ni Chu Qiao ang pawis nito. Ang dami ng sakit na nadama niya mula sa kanyang balikat ay tumitindi. Kinakailangan niyang sumandal sa pader upang makahinga nang mabuti. Nang marinig ang natutulog na may sakit na si Xiao Qi. Para bang may isang tao na lumutak sa kanyang puso ng mahigpit at itinapon ito sa mundong nagyeyelo at niyebe

Chapter 8: Ang Walang Awang Pagpaparusa

Chapter 8: Ang Walang Awang Pagpaparusa Ang nakagila-gilalas na sigaw ay patuloy na tumataginting sa buong looban. Sa gitna ng mga sigaw, ay  maririnig mo ang isang natatakot at nababahalang iyak ng isang babae. Sa kanlurang bahagi ng silid, ang mga pintuan ay malawak na nakabukas. May isang tao na nakakatanggap ng pagpaparusa sa katawan. Maaari mong marinig ang tunog ng latigo habang nakakatugon sa laman. Ang dugo ay kumakalat sa buong Zhuge Residence . Ang lahat ng mga tagapaglingkod ay itinaas ang kanilang mga ulo upang makita kung sino ang pinaparusahan. Habang ang mga tao ay unti-unting sumusugod, si Chu Qiao ay nasa harapan ng bahay. Isang hakbang na lamang ang nanatili upang makalabas sa hardin na kumakain ng tao. Ngunit ang mga sigaw ay patuloy na umi-eko sa kanyang mga tainga sanhi ng pagkulubot ng kanyang mga kilay. Sa wakas, binawi ang kanyang paa, mabilis siyang bumalik at tumakbo patungo sa silid sa kanluran. Tadhana. Nagbibigay ito sa mga tao ng mga pagkakatao