Posts

Showing posts from August 22, 2017

Princess Agents Chapter 3 - Pagmamahal sa Bayan

Princess Agents Chapter 3 - Pagmamahal sa Bayan M adaling nakuha ni Chu Qiao ang kombinasyon ng code sa lock at reader. Tumagilid sya ng kunti, nang paikutin nya ang hawakan ng pinto. Kahit malalim na ang gabi, maliwanag pa rin ang koridor. May maraming tao sa bulwagan na pabalik-balik sa paglalakad. Si Chu Qiao ay masyadong komportable na naglalakad sa koridor ng Ministry of Foreign Affairs. Binati nya ng " Hello " ang mga tao na nakasalubong kahit hindi nya kilala ang mga ito. Ang mga kilos nya at pagsuot ng uniporme ng militar ay pinagpalagay ng mga nakakita sa kanya na siya ay tauhan sa loob ng ikaapat na kulungan. P agkaraan ng limang minuto, umalis siya sa bulwagan para hanapin ang silid ng pangunahing tanggapan. Alam ni Chu Qiao na hindi siya maaring magkamali sa lugar na pupuntahan. M ay isang tunog ang bigla lumabas mula sa kalapit na silid. Mabilis na kumilos at tumugon si Chu Qiao sa kalapit na silid sa pamamagitan ng pagdikit ng kanyang katawan sa m