Princess Agents Chapter 3 - Pagmamahal sa Bayan

Princess Agents Chapter 3 - Pagmamahal sa Bayan

Madaling nakuha ni Chu Qiao ang kombinasyon ng code sa lock at reader. Tumagilid sya ng kunti, nang paikutin nya ang hawakan ng pinto. Kahit malalim na ang gabi, maliwanag pa rin ang koridor. May maraming tao sa bulwagan na pabalik-balik sa paglalakad. Si Chu Qiao ay masyadong komportable na naglalakad sa koridor ng Ministry of Foreign Affairs. Binati nya ng "Hello" ang mga tao na nakasalubong kahit hindi nya kilala ang mga ito. Ang mga kilos nya at pagsuot ng uniporme ng militar ay pinagpalagay ng mga nakakita sa kanya na siya ay tauhan sa loob ng ikaapat na kulungan.

Pagkaraan ng limang minuto, umalis siya sa bulwagan para hanapin ang silid ng pangunahing tanggapan. Alam ni Chu Qiao na hindi siya maaring magkamali sa lugar na pupuntahan.

May isang tunog ang bigla lumabas mula sa kalapit na silid. Mabilis na kumilos at tumugon si Chu Qiao sa kalapit na silid sa pamamagitan ng pagdikit ng kanyang katawan sa may pinto ng guest room at ang kangyang kamay ay nakahawak sa HK sa kanyang bewang.

Tinutukan ng baril sa ulo ang isang maliit na taong nakasuot na itim sa labas ng pintuan. Nang tiningnang mabuti ang paligid, pero bakit kasi masyadong napaunat ang katawan nya sa pagtingin kay Chu Qiao. Ang bumulagad sa kanya ay isang silencer. Ang bala nito ay tumagos hanggang sa kanyang puso at dumaloy ang maraming dugo sa butas ng katawan. Ang mga mata ng lalaki ay nakadilat sa pagkabigla. Pagkatapos ay mabilis na kinuha ni Chu Qiao ang katawan nito at tinakpan ang bibig hanggang sa malagutan ng hininga. Hinawakan nya ito habang pumasok sa loob.

Maraming klasing uri ng tapang ang tao, bukod sa taong unang namatay, meron pa ring 16-katao na naroon sa silid. Lahat sila ay mahimbig na natutulog. Sila ay mga secret agents na may huwad na pagkakakilanlan. Silang lahat ay may mga dalang dekalidad na armas at nasa iisang kwarto lamang, ang mga taong ito ay hindi kailanman nag-isip na baka may isang tao na maglakas-loob upang pumasok sa kanilang silid-tulugan. Ngunit sa sandaling iyon, ang kamatayan ay naroroon mismo sa kanilang harapan, at hindi man lang nila alam na mangyari ang bagay na iyon.

Sa pakikitungo sa kanyang mga kaaway, si Chu Qiao ay laging walang habag nito. Bagamat kailan lang, ang kanyang trabaho ay halos lahat ay sa pagpaplano lamang, ngunit hindi ito nangangahulugan na wala siyang lakas ng loob na bumaril. Nilayon niya ang kanyang HK pistol. Pinaliit ang kanyang mga mata na tila may bakas ng lamig, ang baras ng kanyang baril ay itinututok sa isang may edad na lalaki sa kama. Plop (Binaril ang tao na nasa kama). Nangisay ang katawan ng lalaki na natutulog sa kama, sa kanyang noo ay bumakas ang butas na may kasamang dugo nito.

Hindi sya nagtagal sa loob at ngmamadali siyang umalis, pop...pop...pop. Pagkatapos ng sampung segundo, walang naiwang buhay sa loob.

Pumunta siya sa kasunod na silid at nakita ang limang iba pang mga lalaki na nakahiga sa mga kama na natutulog nang mahimbing. Ang pagpatay sa mga sandaling iyon ay mas madali kaysa sa pagligo. Nang walang halong pag-aalinlangan, nagpaputok siya ng limang beses. Matapos ang ilang sandali ang hangin ay napuno ng isang karumal-dumal na amoy ng dugo.

Nakita ni Chu Qiao ang isang maliit na DV (digital video device) mula sa loob ng bag ng isa sa mga lalaking namatay sa loob. Binuksan niya ito at pinapanood nang mabuti.

Matapos nyang kumpirmahin ang kanyang nalalaman, nilagay nya ang DV sa isa sa kanyang malalaking bulsa. Pagkatapos ay mula sa bag ng patay na lalaki ay kumuha siya ng ilang C4. Inilagay niya ito sa silid, at ini-on ang remote detonator. Ang pulang cursor sa itim na kahon ay nagsimulang kumislap ng mabilis.

Tiningnan ni Chu Qiao ng mga huling sandali ang kabuuan ng silid na kung saan nandoon ang kanyang mga pinapatay. Kinumpirma niya na lahat ay patay bago tumalikod at buksan ang pinto upang umalis. Bagamat, sa parehong oras, isang malamig na bagay ang dumiin sa kanyang leeg!

Biglang bagsak si Chu Qiao sa lupa at gumulong ng paurong para makaiwas sa bala galing sa taong bumaril sa kanya. Ang lalaki ay patuloy at walang tigil sa pagpapaputok sa kanya. Sinipa ni Chu Qiao ang pinto upang ito'y mabuksan, pumasok at pagkatapos ay sinara ang pinto. Ang kanyang katawan ay bahagyang nakaluhod sa lupa, sya ay nakatuon sa mga pangyayari at inisip ang mangyayari pa. Huminga sya ng malalim, alam nyang nalantad na siya!

Ang mga kalamnan ni Chu Qiao ay nanigas habang patuloy niyang pinabagal ang kanyang paghinga; Ang kanyang mga mata ay nakapako sa pinto. Hindi siya 003, hindi siya katulad ng siyam na super secret agents kung kumilos. Nag-aral siya ng demolisyon sa akademiya militar. Siya ang nagpaplano; Kung paano gamitin ang kapaligiran upang makalamang sa kalaban, gumamit ng katalinuhan, at gumamit ng limitadong tauhan upang maiwasan ang pagpatay at mamatay. Sa sandaling ito, sa harap ng mapanganib na sitwasyon na may mga tatlong metro ang layo mula sa kanya, malinaw sa kanya na hindi sila maaring magdahilan.

Ang mga mata nya ay unti-unting tumingin sa taong namatay habang ito'y natutulog.

Bang! bang! Bumukas ang pinto sa isang sipa. Nakatayo sya sa harap ng pinto na may bagsik sa mukha. Hinarap nya ang dalawang tao sa labas ng silid. 

Tila, hindi nila inaasahan na lumabas siya. Kaya ito ang naging sanhi ng kanilang pagkabigla at di makakilos ng ilang sandali.

Ang sumunod na sandali ay marinig mo ang dalawang tunog ng pagkaluskos, tumayo si Chu Qiao sa isang hangin ng pag-urong. Itinapon niya ang kanyang dagger at HK sa lupa. Pinaghiwalay nya ang kanyang mg paa (Spreading her legs), kumilos ang kanyang mga kamay na parang Tai Chi stance. Humarap sya sa dalawang malamig na lalaki, hinawakan nya ito ng mabuti, maliwanag ang kahulugan; Halika!!!

Awtomatiko nyang naiwasan ang 160 rounds bullets galing sa dalawang sub-machine gun na dala ng mga kalalakihang galit na galit. Ibinukod nila ang kanilang mga baril at sumugod sila kay Chu Qiao.

Sa maliit at makipot na silid, at medyo may amoy na dumadaloy sa malamig na hangin, kurtina ay sumasayaw, madilim at nakakamatay na kapaligiran. Ang dalawang lalaki ay matatapang na tinutuligsa si Chu Qiao. Kung titingnan ang dalawang lalaki ay pawang puno ng kalupitan ang kalamnan nito na para bang makikita natin ang katapusan ng isang babaing tinutugis.

Gayunpaman, sa sandaling iyon, bigla siyang ngumiti. (Her mouth curled up, turning into a proud but cold smile). nagiging isang mapagmataas ngunit malamig na ngiti. Tulad ng isang magic, isang M609 maliit na kalibre pistol na ginawa ng Hapon ay biglang lumitaw sa kanyang kamay. Ang M609, ay isang sandata at hari sa maikling distansya, dahil hindi lang ito tumatagos sa katawan  kundi ito'y sumasabog ng direkta pagkalapat nito sa bahagi ng katawan.

Di nagtagal ng 0.05 segundo, Bang! Bang! Di nakasigaw ang dalawang lalaki.
Binaril nya ito ng malapitan sa kanilang ulo, kaya ang utak nila ay sumasabog sa iba't-ibang direksyon, maging sa katawan Chu Qiao ay nasabugan din.

Sa inis at galit nya, sinipa nya ang mga ito at mabilis na binuksan ang pinto ng banyo. Bagamat hindi niya inaasahan na meron pang dalawang tao na magpakita, nagawan nya ito ng maayos. Tinatantiya nyang naka-save siya ng 20 minuto kumpara sa orihinal na oras na kanyang itinalaga, kaya may sapat syang panahon upang linisin ng lubos ang sarili.

Pagkalipas ng 15-minuto, isang babaing nakasuot ng itim ang lumabas sa silid ng departamento ng batas militar. Lumakad siya sa pasilyo palabas ng guest house sa ikalawang palapag at mahinahong ngumiti sa mga taong nakasalubong ng bilangguan. Pagkalipas ng tatlong minuto, binuksan nyaang dalawang pintuan sa harap at tahimik na lumabas.

Malamig ang simoy ng hangin ng gabing iyon, malambot na damampi sa kanyang mukha. Si Chu Qiao ay naglalakad sa ground floor ng ikaapat na kulungan. Ang mga taong naroroon ay mga piling sundalo ng bansa. Itinaas nya ang kanyang kamay at tiningnan ang pulso, sampung segundo na lang ang natitira at oras na ng pagsabog.

Kalmado pa rin si Chu Qiao habang patuloy syang umalis. Habang naglalakad, kinuha niya ang pahayagan mula kahapon sa isang kalapit na newspaper stand.

10, 9, 8 ...

"Noong Mayo 11, sa China, nagkaroon pa ng isa pang kaso, ang mga pasyenteng may M1N1 virus impeksyon, sa Beijing. Sa kasalukuyan, may 47 taong nakumpirma na may virus. Ang mga barko at ilang mga flight ay nasuspinde. Ang industriya ng turismo ay malubhang nagdusa, ang stock ay nahulog, ang merkado ng Beijing at Shanghai ay naaapektuhan din... ..."

7, 6, 5 ....

"Sinabi ng Xin China Society: Sa kasalukuyan istatistika, kinumpirma ni Moses Song na ang bilang ng mga impeksyon sa M1N1 virus ay 689 katao, ang bilang ng mga pinaghihinalaang may impeksyon ay 1,272 katao, 68 katao ang namatay. Ang bilang ng mga namatay ay hindi pa rin tumpak habang patuloy na lumalaki ang bilang. Ang Selenium Ban Ya ay nakumpirma na ang bilang sa 352 taong nahawaan, ang bilang ng mga pinaghihinalaang may mga impeksyon sa 561 katao, ang death toll 97. Egypt ... ..."

4, ...3 ...

"M negatibong ulat ng negosyanteng M ay niulat: ang mga eksperto sa bansang M, pinaghihinalaang ang M1N1 virus ay kumalat sa bansang Z, dahil sa lindol ng Z nasira ang balanse ng atmospera nito, na nagiging sanhi ng pagkalat ng virus. Ang pamahalaang Z ay hindi makakamit ang mabilis na epektibong pagproseso hinggil sa kalamidad na ito, na nagiging sanhi ng mabilis na paglaganap ng nakakahawang sakit. Ang gobyerno ng M ay nagnanais na sa panandalian at tumangging makipagtrade sa bansang Z, papalayasin ang mga domestic Z nationals at ipagbawal ang pagpasok ng Z national sa bansa. Sa kasalukuyan, tinatalakay ang kasalukuyang tensyon ng kawani ng mga pambabatas. Naniniwala sila na sa lalong madaling magkakaroon sila ng tamang diskarte upang mapagaan at maiwasan ang kalamidad na ito."

2, 1, 0 !!!

Nang biglang may sumabog, nayanig ang buong lupa. sang malaking tunog ng putok ang lumabas. Napakalakas ang tunog na para bang makakabasag salamin ng tainga. Tumunog ang mga sirens, mababagang usok ang lumabas at tinutupok ng apoy ang gusali sa isang pagsabog. Ang buong ika-apat na kulungan ay nanginginig sa pagsabog na ito nang husto.

Ang makapal na usok at nagpapalabo sa mga mata ng mga sundalo. Ang lahat ng mga kawani sa ikaapat na kulungan ay nagmamadali at dinampot ang kanilang mga armas, sialng lahat ay nagmamai sa kung saan naganap ang pagsabog. Si Chu Qiao ay natatakpan ng maraming alikabok ay tumingin sa isang taong naka-uniporme na nagmamadali at paparating sa kanya, sumigaw, "kamasa, anong nangyari?"

Nakita ng tao si Chu Qiao na hindi maganda ang ayos, ngunit siya ay nakasuot ng isang militar na pamantayang estilo sa kanluran. Alam niya na hindi si Chu Qiao tauhan ng ika-apat ng kulungan. Kaya inaalalayan nya ito, sinabi "Ikaw ay mula sa kagawaran ng Batas Militar? Ikaw sumama ka muna, dadalhin kita."

Ang national serviceman na abala sa pag-iiskort sa iba pang mga kasamahan sa kagawaran ay hindi alam na sa oras na ito, sa kanyang mga kamay ay ang may kasalanan ng pagsabog na ito. At hindi lamang iyon, mayroong mahigit sa isang dosenang "batas militar" na mga kasama na pinatay ng kanyang mga kamay.

kasunod ng kaguluhan ay ang maraming tao na nagmamadaling lumabas sa pasilyo, sila ay patuloy sa pagtakbo palabas ngunit ang dalawang tao ay biglang napatakbo sa isang taong nagmamadali patungo sa pasilyo.

"Ah! patawad, ah ikaw pala Colonel Li!" Hinawakan siya ng lalaki at humingi agad ng paumanhin.

"Anong nangyari?" Hinigpitan ni Li Yang ang kanyang kilay. Ang kanyang mga mata ay sumulyap sa tagiliran, upang makita ang mga mata ni Chu Qiao na nakapako. Itinuro nya ang kanyang kamay sa kanya at sinabing:"Chu ... ..."

"Pumunta ka sa akin, ngunit nagkaroon ng malaking pagsabog. Maghihintay  ka muna hanggang makaalis tayo kung meron kang gustong sabihin."

Mabilis na sumagot si Chu Qiao kay Li Yang. Narinig ng sundalo ang kanilang usapan at sinabi, "Kung gayon, hindi ko na kailangang ipadala ko kayong dalawa. Di ko alam kung ano ang kondition ng mga tao sa loob, gusto kong bumalik sa loob at tulungan sila.

Tumango si Li Yang habang tinitingnan ang sundalo na nagmamadaling umalis saka niya hinawakan si Chu Qiao at bumulong.

"Anong problema? Bakit nililitis ka ng hukuman-militar? Paano ka nakatakas? "

"Ang M1N1 virus ay hindi isang likas na kalamidad, ngunit isang kalamidad na ginawa ng tao. M, R, Eagle, F, at iba pa, isang dosenang mga bansa sa kanluran ang nasasangkot. Sila ay binulag ng kasakiman. Ang mga bihag ay hindi mga bihag, subalit sila ay mga virologist na nagtatago sa mga institusyong pananaliksik sa militar sa buong mundo. Nais nilang ikalat ang virus sa buong mundo, at sa huling minuto, ang isang nakalistang kumpanya ay magkokontrol sa M1N1 virus antiviral drug, na gumagawa ng malaking kita. Ang aking mga tauhan ay nakakuha ng katibayan tungkol dito. "

Sinabi ni Chu Qiao habang kinuha ang DV at ipinasa ito ni Li Yang, bago magpatuloy: "Ang huling utos ay upang patayin ang mga puwersa ng X sa Tokyo, ang senior leadership, at sa wakas ay ibalik ang isang bagay na magagamit natin mula sa informant sa loob. Pinahintulutan niya ang kanyang buhay na ipadala sa amin ang katibayan, ngunit sa kasamaang palad ang informant ay namatay sa kalye ng Tokyo. Ang bagay na ito ay pinalaya ... Bukod sa virus ng M1N1, sa ibabaw, ang mga taksil na nagbebenta ng mga organs ng tao, ngunit lihim na binuo nila ang nakamamatay na virus X. Nagpadala sila ng mga tao upang magmasid sa aking bansa, sa ilalim ng mga mandarayang maykapangyarihang antas ng lipunan, nakatago ang kanilang mga kasamahan sa militar, pumasok sa ika-apat na bilangguan, kinuha ang aking mga katibayan, at ngayon, ako ay tapusin.

Si Li Yang ay nasindak sa pagkabigla, hindi makapaniwala at sabi: "Ang ibig mong sabihin, ang tao na nagutos, ang pumatay sa mga dalubhasa, ay ......?

"Oo," tumango si Chu Qiao, sinasabing "Iniutos niya na talikuran ang mga tao sa 003, at itago sa national high-level agency as a spy. Siya ang nag-utos na ako ay ikulong sa ika-apat na bilangguan at kinuha ang lahat ng katibayan upang mapagtakpan ang kanilang mga masasama at kasuklam-suklam na krimen."

Si Li Yang ay nahuhulog sa isang malaking pagkagulat, ang kanyang mga kilay ay naka-lock at ang mga mata ay may kadiliman sa galit, at sinabi, "Ang mga eksperto ng artilerya ng shell mula sa bansang M ay nagpunta rin sa Beijing ngayon. Nagpunta sila upang bisitahin ang kabisera upang mag-aral. Staff Officer Qian ng Jinghua Army at ako ay gumawa rin ng marami upang mapaligaya ang kanilang pagdating, hindi namin iniisip ang mga ito ... "

"Ano ang sinabi mo?" Biglang sigaw ni Chu Qiao nang malakas.

Si Li Yang ay nagulang ng ilang sandali, pagkatapos ay nagtanong sya, "Ano?"

"Sinasabi mo na ang mga eksperto sa artilehiya ng M ay dumating sa Beijing?"

Tumango si Li Yang at sinabi: "Ah, oo, dumating sila kagabi."

Ang balat ni Chu Qiao ay nagbago, at nagmamadali niyang sinuri ang kanyang katawan at sinabi, "Kung dinala nila ang mga munisyon upang masundan at
mahanap ng militar?"

"Ano ang hinahanap mo?"

Si Chu Qiao ay biglang nanggagalaiti sa galit,  "Tinanggap mo ba ang sinturon?"

"Paano ko masusuot ang ganitong uri ng bagay sa aking katawan?" Nakikita ni Chu Qiao ang pagkabalisa nito, mabilis na sinabi ni Li Yang:" Sumama ka sa akin, alam ko kung nasaan yun. "

Sila ay sumakay ng isang storage battery car, nagsimula ito at mabilis na tumakbo upang ang marating nila ang courtyard. Pagkaraan ng dalawang minuto, nang makita ni Chu Qiao ang locator na kumikislap na pulang tuldok, nablanko ang buong isipan ni Chu Qiao.

"Ano ba ang lahat ng ito? Hindi ba ikaw ang nag-install nito sa ikalawang palapag? Paano ito sa ikaapat na palapag? "

Tumayo agad si Chu Qiao, hinahanap ang bodega upang makahanap ng mga sandata at kagamitan sa kamay, habang ipinaliliwanag nya kay Li Yang, "Ang bansang M ay hindi nagtitiwala sa mga hukbo ng bansang R. Natatakot sila na ang bansang R ay hindi gagawa ng maayos at ilantad ang mga bagay, kaya't na-install nila ang navigation position instrument in the trial court. Hangga't dumating ang oras, at ilulunsad ang shell. Kapag dumating na ang oras, ang buong ika-apat na bilangguan ay lilipulin, kabilang ang katibayan ... kasama ako. "

"Ngayon, ano ang gagawin natin? Maaari ko agad pumunta upang ipaalam sa mga special forces at ipaalam sa mga dispatch experts upang magpadala ng mga hukbo upang mapalakas, upang makontrol ang bansang M. "

"Wala ng oras," Tiningnan ni Chu Qiao ng malalim si Li Yang "Bigyan mo ako ng isang helikopter upang mahati ko ang attention ng mga tao. Ikaw ngayon ang pinakamahalagang tao sa misyon na ito. Ibigay ang katibayan na ito ni Commander Hua. Ang buhay ng verset, ang buhay ng ika-11 unit, 14 super agent, ang buhay ng mundo at ang mga tao na papatayin ng virus ng M1N1 ... lahat ng ito ay nasa iyong mga kamay, hindi ka dapat gumawa ng pinakamaliit na pagkakamali.

Nagulat si Li Yang sa isang sandali. Ang usok sa malayo ay umuusad. Ang karamihan ng tao ay nababalisa. Tinitingnan niya ang matatag na mga mata ng babae at manipis na mukha, at biglang nadama ang isang labis na kalungkutan at pighati sa loob ng kanyang puso sa loob ng mahabang panahon. Mahigpit niyang sinasabi: "Tiyak na makamit ko ito, Chu Qiao, kailangan mong alagaan ang iyong sarili. "

"Ikaw rin."

Pagkatapos ng pamamaalam, ang babae ay hindi bumalik mula sa warehouse, bagamat tumakbo ito patungo sa ika-apat na bilangguan, kung saan sinikap nyang makatakas mula rito.

Pagkaraan ng sampung minuto, isang helikopter ay lumabas mula sa parisukat. Mabilis na umalis sa Ika-apat na Bilangguan, na lumilipad patungo sa mga laganap na mga suburb. (desolate suburbs)

Nakaupo sa passenger's seat of the commander's car, hawak ni Li Yang ang munition start locator, tinitingnan ang maliit na pulang punto mula sa paglalakad ng four-story courtroom mula sa square, at pagkatapos ay mabilis na lumipad patungong Beijing. Nang biglang marinig ang isang malaking marahas na pagsabog mula sa langit, ang pulang tuldok ng tagahanap sa sandaling iyon ay nawala. Ito ay naging isang itim na logo ng bungo.

Nakaupo sa kotse si Li Yang pero hindi siya tumingin sa likod, ngunit ang mga luha na hindi niya ipinakita sa mga tao ay dahan-dahang dumadaloy, sa ilalim ng madilim.

Tahimik sa gabing iyon sa Beijing.

Comments

Popular posts from this blog

Princess Agents Chapter 1 - Militar

Princess Agents Summary (Tagalog Translation)

Princess Agent: Chapter 5 - English Translation