Princess Agents chapter 2 - Ang Pagsubok

Princess Agents chapter 2 - Rain (Ulan) Tagalog Translation

20 minuto pagkatapos ng hating-gabi, isinara ni Chu Qiao ang pinto ng banyo. Pumunta sya sa lababo upang maghugas ng kanyang mga kamay.

Ang bilangguan ay ganap na tahimik nang walang anumang tunog. Sa oras na ito, ang nakakapagod na araw ay nasa taluktok nito. Kahit para sa mga lubos na sinanay na Special Forces, ang pag-iingat ay bahagyang bumaba. Kumuha si Chu Qiao ng tuwalya at dahan-dahang pinahid sa mga kamay upang ito ay matuyo, habang maingat na sinuri ang kanyang pulso; kinakalkula ang oras.

Sampu, siyam, walo,...

Lima, apat ... ... ...

Sero. Kalmado si Chu Qiao at lumakad patungo sa kama.

Biglang may nabuong tunog. Ang tubig ay biglang sumabog sa lahat ng dako mula sa sumabog na tubo ng tubig. Ang mga banayad na apoy ay sumasakop sa pipeline. Bagamat, hindi umabot sa katawan ni Chu Qiao dahil hindi sya gaano kalapit para maabutan ng apoy.

Sa labas, nagulat ang mga gwardya ng bilangguan nang makita nila ang isang tubo na sumabog. Hindi nila alam na kung ang bilanggo ay buhay o patay. Ang dalawang gwardya ay biglang nagpanic at mabilis na pinidot ang switch at password upang buksan ang selda. Hawak ng isang kamay ang isang sub-machine gun at hawak din sa isa pang kamay ang intercom, ang mga gwardya ay nagmamadaling pumasok sa loob. Subalit, napinsala ng maikling pagsabog ang transmission sa loob ng 5 segundo. Ang tanging bagay na maririnig ng pangunahing istasyon ay ang rustling na hindi malinaw na signal.

Ang pagkakataon ay hindi dapat mawala sapagkat ang oras ay hindi muling darating. Nang tumakbo ang dalawang gwardya sa banyo upang suriin ang pagsabog. Ang mga matang nakapikit ni Chu Qiao ay biglang bumukas. Sa iglap ang katawan nya ay kaagad gumalaw, singbilis ng isang pusa, na sa isang iglap halos nakarating sa pinto ng selda. Gulat na gulat ang dalawang gwardya, subalit bago pa sila nakasigaw, naririnig na nila ang pagsarado ng pinto.

Tumingin si Chu Qiao sa dalawang galit na lalaki sa loob ng selda, habang mabilis syang pumunta sa control room. Ang bagong video footage mula isang oras ay mabilis na nakuha at pinutol. Matapos tinanggal ang katibayan, hinala nya ang isang upuan upang abutin ang pinhole ng camera na matatagpugan sa labas ng bilangguan at pagkatapos ay i-disconnect ang signal at itinuon ang camera sa kawalan at kinarga ang edited footage. Pagkatapapos ng paggawa nito, ipina-plug nyang muli ang kamera at diniskonek ang signal ng radio.

Sa tamang oras, pagkatapos ng limang segundo, sa nasabugang lugar ay inaayos na muli. Ang sirang tubo ay madaliang inayos. Ang bilangguan ay saradong-sarado at ang dalawang gwardyang sumisigaw ay parang mga lamok lamang ang kanilang mga tinig. Kahit sa anong sigaw at paggalaw ay walang makakakita at makakarinig sa kanila. Ang mga monitor ay bumalik sa normal, tanging ang makikita ay ang kabubuang imahe mula sa isang oras na nakalipas; isang babaing makasalanan na tahimik na nakaupo sa kama, habang ang mga gwardya ay palakad-lakad sa labas. Lahat ay mapayapa at tahimik.

Tumingin tingin si Chu Qiao nang husto sa kanyang paligid upang suriin ang seguridad.

Sa Control room, binuksan nya ang guard's storage reserves. Inalis ang basa nyang damit at pinalitan ng damit ng ikaapat na gwardya sa kulungan. Matapos mailagay ang sumbrero, kinuha nya ang HK pistol na may silencer at ito'y naka-attached sa bewang nito. Pagkatapos, lumingon sya at lumabas.

Samantalang ang dalawang gwardya sa loob ay patuloy na nag-iingay at sinubukang buksan ang selda.

Kahit ang ikaapat na kulungan malapit  kabesera, ay hiwalay sa geograpiya at lihim na itinago. Ang mga bilanggo doon, ay mga kriminal na nililitis ng National High-Level Military Court. Maliwanag ang kanilang kahalagahan. Bawat selda ay may mahigpit na bantay. Bawat selda ay may mga high-end weapons at isang malakas na sistema ng pagsubaybay at mga tauhan. Sa loob at labas ng bawat gusali ng bilangguan ay may tatlo na mga special servicemen guards sa bansa na hinati sa dalawang pintuan sa harap. Tulad ng mga quarters ni Chu Qiao, hanggat may isang bukas ng password ay maari mo itong buksan, ngunit sa labas ng pintuan ng bilangguan ay kinakailangan ang fingerprints ng taong huling pumasok para mabuksang muli ang nakasaradong pinto.

Ang tatlong tao na nagbabantay sa kanya ay gumagamit ng isang sistema sa pag-ikot, ngunit ang dalawa sa kanila ay nasa loob ng selda. Inihanda ni Chu Qiao ang fingerprint film at inilagay ito sa scanner. Di nagtagal ay nakarinig sya nang Click sound pakaraan ng ilang sandali sya ay naglakad palabas ng pintuan na naka-standard uniform, nakatanaw ang dalawang gwardya na nakulong sa loob ng selda.

Pagkatapos lumabas, may mahabang koridor. Siya ay nasa ikaapat na palapag sa ilalim ng lupa ng bilangguan, upang matupad ang kanyang layunin kailangan nyang magmadali dahil ang edited video footage na nilagay nya ay hanggang isang oras lamang.

May apat na detenido na naghihintay sa National High-Ranking Court para sa paglilitis. Tatlo sa pangunahing bilanggo ay nasa ikaapat na palapag kung saan matatagpuan ang tanggapan ng mga opisyal ng bilangguan. Ang ika-apat na bilanggo ay nasa ikalawang palapag na kung saan ito'y ginagamit din sa pagtanggap ng mga dayuhang bisita. Ang layunin ni Chu Qiao ay pupunta dito.

Matapos ng dalawang minuto sya ay nakalabas na ng bilangguan, narating nya ang pinakadulo ng koridor. Nagkaroon ng emergency, 40 mga armadong kalalakihan na may dalang mabibigat na armas at dalubhasang mandirigma. Ang ikaapat na bilangguan ay walang air conditioning vent o ang tubo ay walang laman. Walang ibang dadaanan maliban sa tinahak na koridor. Ang isa pang tanging paraan upang makatakas ay ang paghukay ng butas mula sa konreto at tumakbo palabas. Gustong makatakas ng ligtas? Walang pag-asa!

Nakita ang hindi pamilyar na mukha ni Chu Qiao ng isa sa mga gwardya sa labasan at agad nababalisa ito. Kaagad kinuha ang sandata nito at sumigaw, "Hinto! Sino ka! Password!"

Lumakad at tumingin ng diretso si Chu Qiao, hawak ang makapal na dokumento. Habang sya ay naglalakad, sya ay nagsasalita, "Ako ay si Colonel Liu Siwei ng Court Martial, may dala akong mga dokumento order no. 12658 na maaring pumasok sa 4th prison building upang imbistigahan ang arms smuggling case. May mahalaga akong mga papeles na ibibigay kay Lieutenant Colonel Tan Zongming. Kung maaari pwede mo akong ihatid sa kanya.

Ang sundalo ay nanatiling nakatingin sa kanya ng may pag-aalinlangan at sabi, "Senior Officer, Sir! Lieutenant Colonel Tan Zongming ay wala sya sa tungkulin ngayong gabi; Siya ay nasa personal security line. Sir, pwede bang ipakita mo sa akin ang iyong mga credentials?"

"Ayon sa batas militar na hindi kailangan ipakita ang mga dokumento sa 4th prison. Inaaanyahan ako ng tagapangasiwa ng ikaapat na kulungan si Li Yuchang upang tumulong sa paghawak ng kaso. Tatlong araw na ang nakakaraan, dinala ako dito ng personal ni Colonel Lu Fanghao sa martial court ng kulungan. Di mo ba alam?" Madiing bigkas ni Chu Qiao, habang pinipikit (slanting eyes) ang kanyang mga mata para siyasatin ang kawal ng nagbabantay mula sa itaas hanggang sa ibaba.

"Sa aling hukbo ng militar ikaw nasasakop? Hindi ka pamilyar ng code military. Sabihin mo sa akin ang numero ng pagkilanlan ng iyong unit at code ng hukbo?" saad ni Chu Qiao.

Nang marinig ang mga salita, ang sundalo ay nagulat sa kanyang hanay sa hukbo ay naiiba. Ang taong ito ay may kakaibang estilo at hindi karaniwang pagsasalita. Mayroon ding syang koneksyon sa Lieutenant Tan Li Yuchang. Sumagot ang sundalo, "Sir, ang numero ko ay 0475, kabilang sa 8th Armed Forces Corps 571, Brigade Tasks Group 309, hindi sa ilalim ng regular na hukbo. Dalawang araw pa lang kaming nakabantay dito, kaya hindi ko alam na pinadala ka ni Colonel Lu Fanghao o hindi."

Pinihit ni Chu Qiao ang kanyang kilay ng bahagya at tumango sabay sabi, "Ikaw ay mula sa South of the 8th Armed Forces? Ang iyong Deputy Army Commander Liu ay mabuti ba? Ikaw ay dinala nya dito, tama? Pumunta sya sa Beijing para sa ibang negosyo at sinabi sa'yo na manatili dito pansamantala, tama?"

Ang sundalo ay napabilib at ang kanyang tono ng pananalita ay nag-iba. "Sir, pag-uulat, Si kumander Liu ay mabuti, ang aming grupo ay pinadala dito sa kulungan, di kami babalik sa Timog."

"Oh," tumango si Chu Qiao. "Ako ay nagmula rin sa ikawalong hukbo ng sandatahan at nagtrabaho sa 8th Army Intelligence Procuratorate. Sa totoo lang, magkatropa pa rin tayo. Kapag makita mo ang iyong kumander, pakisabi mo sa kanila na sinabi ko, kumusta. Mabuti, ngayon may mahalagang bagay ako sa mga dokumentong ito. Kailangan kong maipadala itong duplicate sa kanila. Pagkatapos ipagbigay alam mo kay Chief Zhang at sekretary ng kumander Hua na banda 6:00 ng umaga, bibisita si Colonel Liu Siwei.

Matapos sabihin yon,  tumalikod sya at naglakad papunta sa harapan.

Ang sundalo ay hindi nakagalaw sa kinatayuan, hawak-hawak ang mga may markang dokumento, mga kamay ay tila nanglupaypay.

Chief of Staff Zhang ... Commander ....

Bumalik si Chu Qiao sa ikaapat na palapag at sinuot muli ang basang damit. Sumandal sya sa pader, huminga ng mabagal at itinaas ang kamay para suriin ang kanyang pulso. 10 minuto na ang nakalipas, wala nang oras. Huminga sya ng malalim, tumayo ng matuwid. Oras na para magpatuloy.

Sa pamamagitan ng fingerprint decoder, ang infra-red scanner, ang bilis ng orasan ng retina docking, sa pamamagitan ng layers of search at surveillance, sa wakas ay dumating siya sa ikalawang palapag para sa banyagang bisita. Habang tiningnan nya ang mga nakakabit na mga dekorasyon ng militar sa dingding, ang bibig ni Chu Qiao ay dahan-dahang nakaluko.

Napakabuti, bawat ulo ng karaingan at sa wakas, natagpuan nya ang pangunahing may utang.

End of Chapter 2

Comments

Popular posts from this blog

Princess Agents Summary (Tagalog Translation)

Princess Agents Chapter 1 - English Translation