Princess Agents Chapter 1 - Militar

Chapter 1

Mayo 12, 2009, Tumigil ang oras sa alas-dos ng madaling araw. Sa isang mapanglaw na lugar sa labas ng lungsod ng Beijing, may pitong itim na kotse na umaarangkada at makakabaling-leeg sa bilis ng pagtakbo nito. Dalawa sa harap, dalawa sa likod, at dalawa sa gilid. Sa gitna naman ay isang itim na Mercedes, isang sasakyan na makinis at malakas na makina. Ang katawan ay ganap na yari sa aluminum alloy at isang bullet proof. Wala itong license plate, walang espesyal na ID or pagkakakilanlan ng militar, hindi maiiwasan ng iba na magtataka, paano at saan ito nanggaling bakit 'di namamataan at nababantayan ng mga gwardya at ito'y nakapasok sa kabesira.

Pagkaraan ng ilang oras, pumarada ang komboy. May dumating na apat na sundalo na nakasuot ng camouflage, nagmotion ito para sa inspeksyon. Habang binuksan ang pintuan sa harapan ay lumabas ang isang binata na nakasuot ng tiim na Amerikana. Inabot niya sa isa sa mga sundalo ang isang pulang-pula na paizi (folder) at sinuri ito ng mga ilang sandali.

"Kailangan ko itong ikonsulta sa nakatataas," sabi ni Chen Sheng.

Ang lalaking nakaitim ay mukhang galit. Sa mahinang tinig sabi niya "ito yung lagda ni Kumander Hua, sino pa ba ang gusto mong kumonsulta?"

Ang sundalo ay nagpatuloy, "Major, ang ating superior ay naglabas ng utos. Bukod sa pangulo, walang ibang pinapayagang makapasok sa mga ipinagbabawal na lugar kung walang mga lagda ng kumander Hua at Chief Zhang. Kung wala ang mga ito, kahit sino ay hindi makakapasok."

"Ikaw...."

"Li Yang..."

Biglang may malalim na boses na nagsalita mula sa likuran ng kotse. Ang itim na Mercedes ay dahan dahang tumakbo. Ang bintana ay bumukas at naisawalat ang nasa loob ng sasakyan. Ang sundalo ay mukhang nagulat at pagkatapos ay biglang napatayo at bumati, "Sir!"

"Ngayon maaari na ba tayong pumasok?, tama ba?" Saad ni Kumander Hua.

Ang sundalo ay bahagyang nag-aatubili saka nagsalita, "pag-uulat sa kumander, Chief Zhang, walang sinuman ang pinapayagan na pumasok ng may sasakyan sa mahigpit na lugar, lahat ay kailangan na nakapaa."

Kumulubot ang kilay at tinapik-tapik ang mga paa, "Ako ay maglalakad?"

Ang mukha ng sundalo ay mas lalo pang pumangit. Sumilip sya sa bintana ni Kumander Hua at nakita ang sugatang mga binti. "Pagpasensyahan mo ako Kumander, pero yun ang kautusan, walang sasakyang makakapasok. Lahat ay kailangan maglakad." Sa wakas nasabi ni General Chen Sheng.

Nagbago ang balat ni Li Yang. Bigla siyang nagalit at gustong may sabihin bago sumenyas sa kanya si Kumader Hua at sinabing, "Li Yang, pumunta ka doon at dalhin mo ang aking mga dokumento, ang 005 ay dapat buo. Ang military Intelligence Bureau ay di na kayang malagasan pa tulad ng ginawa nila sa 003. Ito ay isang kayamanan ng ating bansa."

Agad na nagbago ang mukha ni Li Yang nang harapin ang may maputing-buhok na matandang lalaki, sumaludo at sabi, "Kumander,  huwag kang mag-alala. Ako ay determinado para makompleto itong tungkulin!," matatag nyang sabi.

Gayunpaman sa sandaling iyon, isang tunog na malakas ang umaapaw. Bumulaga ang apoy na syang sanhi ng paglitaw ng maitim na usok sa kalawakan.

Nanlaki ang mga mata ni Li Yang habang nakatitig sa sandaling iyon. Walang sinasabi, walang isang salita, pumihit siya at tumakbo papasok sa ipinagbabawal na lugar. (Restricted Zone)

Nang gabing iyon, tahimik pa rin sa pagtulog ang mga tao sa kabisera. Gayunpaman, ang ikaapat na bilangguan ng militar sa labas ng lungsod ay nakatanggap ng isang malaking pasabog, sapat na upang masindak ang mundo. Sa gabing iyon, ang mga pangulo sa iba't-ibang bansa ay nagtipon-tipon sa iisang lugar, naghihintay ng ilang oras hanggang matapos ang pagsikat ng araw.

Makalipas ang apat na oras.

Sa hukuman ng pambansang ikaapat na kuwartel detensyon, pitong senior opisyal ang nakaupo. Lahat sila ay nakauniporme na pinalamutian ng kumikinang na badges ng mga bituin simbolo ng kanilang position sa militar. Sa upuan ng hukom, limang militar na hukom ang nakaupo. Sila ay may mataas ng posisyon ng militar at sila ay mga hindi kaanib sa sistema nito. Sa may ibaba, may mahigit na 20 na antas ng unang espesyal na tropa na may dalang mga armas na Colt MOD7335.56 assault rifles. Sila ay puro alerto at handa sa kung anumang kritikal na sitwasyon.

Sa panahon ng pagsusuri, ang buong kapaligiran ng kagalang-galang na korte ay taimtim at tahimik. Lahat ng mga mata ay nakatuon sa taong nakasuot ng uniporme militar na nakaupo sa upuan ng nasasakdal. Umehem ang pinuno ng hukom. "Pangalan."

"Chu Qiao."

Sumagot ng mahinahon na tinig ang nasasakdal. Kahit na ito'y paos, maaari pa ring matukoy ang kasarian ng pagkatao nito.

Tama nga, isang magandang babae ang nasasakdal, ito'y nakasuot ng berdeng pantalon at puting polo na may manggas na nakalihis ng bahagya hanggang sa kalahati ng kanyang puting braso. Ang mga dalisay niyang mga mata ay mahinahong nakatingin kahit may bahagyang tensyon.

Ang pangulong hukom ay nagpapatuloy sa mga naaangkop na proseso sa paglilitis, "Kasarian."

"Babae."

"Petsa ng kapanganakan."

"Oktubre 8, 1982."

"Pinagmulan."

"Antu County, lalawigan ng Jilin."

"Kasaysayan ng hukbo."

"Noong 1999, ako ay natanggap sa Central Military School. Noong 2001, ako'y naatasan sa Headquaters ng Militar Central Command 5th Intelligence Service upang mag-aral. Sa ikalawang kalahati ng taong 2001, pumasok ako sa Grupo ng Lawin na ikapitong hukbo upang sumailalim sa pagsasanay. At noong Agosto 27, 2003, pormal akong sumanib sa 5th Intelligence Service. Pagkatapos ay inatasan ako sa pangalawang grupo na nakatuon sa pagsusuri at latag (intelligence analysis and deployment). Noong December 2003, inilipat ako sa Intelligence Bureau ng Xinjiang at MI 9 sa pagpapatupad ng plano (sweeping process plan). Noong Hunyo 2004, umalis ako ng bansa upang isasagawa ang pag-ambush. Matapos ang pitong taon, ako ay bumalik sa sariling bayan at pumasok sa 11th Command Headquarters. Ako ay assistant kumander hanggang sa ngayon."

"Sa panahon ng iyong serbisyo, anong uri ng misyon ang iyong dinadala?"

"Mula 2007 hanggang Abril 2009, isinagawa namin ang 11 malaking misyon at 97 katamtamang misyon. Natapos ko nang personal ang 29 misyon. 11 five-star, 9 four-star, 5 three-star, 4 two-star misyon at wala akong isang-star misyon.

"Ayon sa datos na iniulat, ikaw ay nagsagawa pa ng dalawang isang-star misyon."

"Noong Agosto 2007, ang Intelligence MI 7, MI 9 ay nakikipagtulungan sa akin. Si Lee ang nagplano at nagsagawa ng 'Sea salt plan' na pinamamahalaan upang makakuha ng 300 tonelada Uranium ore. Noong Nobyembre 2007, 11 at 6 ay nakipagcooperate din sa pagpapatupad ng estratehiyang bitag upang makuha ang mga daga na kilala bilang Mika. Kalahati ng mga mapagkanulong Heneral ang nagpasabog ng mga nuclear reactors ng bansang F. Noong Abril 2008, isang pagplano ang isinagawa upang maisakatuparan ang paghihimagsik sa Central Bank ng bansang E at ito'y sakupin. Noong June 2008, sa tulong ng bansang X at sa plano ng 11 at iba pang kaanib na bigay ng MI 9 at 003 ay matagumpay na nakuha ang HK47 blueprint."

Ang namamatnugot na hukom ay itinulak ng bahagya ang kangyang salamin habang pinaghahambing ang mga dokumentong hawak at ang sinabi ng nakasasakdal at sabi, "Detalyado mong ilahad ang iyong relasyon sa pagitan ng lihim na ahenteng 003 at MI 9.

Bahagyang itinaas ni Chu Qiao ang kanyang kilay ng marinig niya ang tanong at tiningnan na isang malamig na ekspresyon ang pitong opisyal ng mga ilang sandali. Sa huli sinabi nya, "sa taong 2001, noong nagsasanay ang 7th army, agent 003, 11th staff officer Major Huang Minrui at ako ay nasa iisang kwarto lamang. Noong March 2004, binalak namin ang pagpapatupad ng Section 003 sa Xinjiang. Ang mga terorista sa Silangang Turkistan ay may balak na wasakin ang Intelligence Program. Nagtatrabaho kami ng dalawang buwan. Sa taong 2008, isinagawa namin ang misyon sa tulong ng 003.

Sabi ng namamatnugot na hukom, "Gaano kalawak ng iyong relasyon sa iyong kasamahang 003? Mga kasamahan, katrabaho, o kaswal na kakilala?"

Siya ay kalmadong tumingin at bahagyang itinaas ang kilay, "kami ay magkakaibigan."

Ang mga hurado ay nagkakaroon ng bahagyang kaguluhan. Tumingin si Chu Qiao sa kanila na kasalukuyang may ngiti sa labi.

"Sa madaling salita, ikaw at 003 ay may malapit na kontak. Tulad ng matalik na kaibigan na nagsasabi sa isa't-isa ng lahat ng bagay, tama ba iyan?" Tanong ng 40-taong gulang na babaeng hukom.

Bumaling ang ulo ni Chu Qiao upang tingnan ang tila magiliw na hukom bago magsalita, aniya "hukom, 003 at ako ay parehong nakatanggap ng mataas na kalidad at espesyal na pagsasanay. Malinaw sa amin ang mga salita na maari naming sabihin o hindi. Kaya para sa'yo ang pagtatanong ng ganito ay pawang binawala mo ang integridad ng pambansang interes ng ating mga magigiting na bayani. Ito ay ang pinakamalaking kawalang-galang."

Ang mukha ng hukom ay bahagyang pumutla at hindi nakapagsalita. Ang kapaligiran sa loob ng korte ay biglang naging asiwa.

Mabilis naman syang nakabawi at nagpatuloy, "Chu Qiao, maaari mo bang ipaliwanag ang iyong mga aksyon at kaugnayan sa M1N1."

Sa wakas, naabot na nila ang pinakaimportante bahagi ng session na ito. Nang marinig ang mga pahayag, ang 50-taong gulang na miyembro ng hukom ay nakatuon ang tingin. Matagal na nakababa ang ulo ni Chu Qiao bago nagsalita at binigyang-diin ang bawat salitang sinasabi, "hinihingi kong maaring makita ang aking superyor, o tumayo sa Supreme's People Court sa ilalim ng korte militar. Kung hindi, di ako magbibigay ng kahit na anong pahayag tungkol sa M1N1.

Sumimangot ang namamatnugot na hukom ng marinig nya ito. Nagmarka ang galit sa kanyang boses at sabi, "Kaya, tinatanong mo ang awtoridad ng mga magkakasamang 5 partidong militar at legal na eksperto na itinatag ng pinakamataas ng korte ng militar?"

"Hindi ako." Itinataas ni Chu Qiao ang kanyang ulo ng paulit-ulit. "Gayunpaman, hiniling kong makita ang nakatataas sa akin. Dahil kung wala si Kumander Hua o isang declassified document na pinirmihan ng kumander, natatakot akong wala akong kalayaang ibunyag ang mga dokumento at nilalaman ng M1N1."

Ang hukom ay mas lalo pang sumimangot bago nagpatuloy, "mahusay mong inutos ang pagpapasabog ng General Buildings. Nagresulta ito sa pagkamatay ng higit 20 hostages. Pakipaliwang mo nang mabuti upang maipagtanggol mo ang iyong sarili."

"Sila ay hindi hostages." 

Tumingin si Chu Qiao ng diretso sa hukom at sabi, "Sa ilalim ng aking mga utos, ang lahat ay naaayon sa doktrina ng militar, hindi kami pumapatay ng sinumang sibilyan. Hangga't di ko nakikita ang aking superior at mga pinirmahang dokumento hindi ako magbibigay ng karagdagang detalye. Kung hindi man, di ako magbibigay na kahit na anong pahayag."

Naging magulo ang paglilitis at di sila nagkakasundo. Hindi sila makapagpatuloy. pagkatapos, si Chu Qiao ay dinala sa labas ng korte. Ang mga hurado ng hukom ay lumabas din. Nakunan ng mahigpit na mga aparatong pagmamanman ang lahat ng kanilang mga imahe, ngunit sa isang sulok naroon ang superyor ng militar na may dalang maliit ng aparato na nag-flashed na pula.

Ang oras ay tumatakbo.

Si Chu Qiao ay nakaupo sa isang bakal na kama, ulo nya ay nakababa at tahimik. Ang bilangguang kanyang kinalalagyan ay napalibutan nang isang espesyal na nakabaluting salamin. Mula sa labas, makikita mo ang lahat ng pangyayari sa loob, ngunit ang mga taong nasa loob ay hindi talaga makakita or makarinig ng kahit na anong ingay. Ang taong nasa loob sa seldang ito ay mawawalan ng kanyang privacy. Gayundin, ang salamin ay napakatibay na kahit kunin mo ang German M7KB heavy-caliber sub machine gun at tuloy-tuloy ang pagpapaputok ng isang taon, di ito kailanman tatablan kahit maliit na butas. Kung sinoman ang gustong tumakas sa ganitong lugar, kailangan mo ng tulong ng isang atomic bombs.

Kahit hindi niya nakikita o naririnig ang labas, bilang isang senior kumander ng Secret Intelligence Service sa bansa, alam nya ang boung detalye. Pinakiramdaman niya ang pulso ng kanyang mga kamay, tahimik niyang binibilang ang mga araw. Alam nya na darating ang oras ng hapunan.

Sapat na sigurado, narinig nyang may naglalakad at narinig ang pag-click ng pinto, sa ilalim ng salamin, bumuka ang gilid ng pinto. Isang tray ng pagkain ang dahan-dahang itinulak.

Siya ay nakaupo sa kama at hindi kumilos, ngunit sa sandaling iyon, isang maliit na bato ang biglang lumipad at tamang tumama sa pulso ng tagahatid ng pagkain at nahulog ito sa sahig.

Sa labas, naramdaman ng isang kawal ang isang bagay at tiningnan ang paligid ng dalawang beses, ngunit hindi nakikita ang anuman. Narinig ni Chu Qiao na ito ay lumipat at tila nawala sa pagsisimangot. Alam nya na may iba pang nagbabantay sa kanya na nakatayo sa labas.

Karaniwan, hindi pinahihintulunan ang mga bilanggo na isara ang pinto habang kumakain, ngunit sa sandaling ito kumikilos ang kamay ni Chu Qiao. Malinaw na nakikita ito sa labas ng selda, kumilos ang kamao ng sundalo bagamat natalo ito ng dalawang beses.

Tumalon si Chu Qiao sa kama at kinuha ang relo. Kinuha nya ito ng lihim upang di makita ng mga nagbabantay sa labas. Malumanay siyang ngumiti, kinuha ang pagkain at nagtungo pabalik sa kama. 

Sa labas, mabilis na tumahimik.

Parang walang anumang nangyari. Lahat ay natural.

Pagkatapos nyang kumain, lumakad siya sa tabi ng isang kubeta at hinila ang pinto pabukas.

Ang pamahalaan ay isa pa ring makatao. Nagtatakda ito ng medyo pribadong banyo. Maliban sa itaas hanggang balikat, sa ibaba ay gawa ng plastik na hindi ganap na nakikitaan. Umupo si Chu Qiao sa banyo at ibinaba ng bahagya ang ulo. Alam nya na may nakamasid sa kanya sa labas at di sya pweding magtagal ng 20 minuto.

Ang iba ay hindi nakikita kung ano ang ginagawa nya sa banyo, kaya dahan-dahang nyang inuunat ang kanyang mga palad. Sa kanyang mga kamay, ay maingat nya'ng nailabas ang isang transparent film. Nakakuha sya ng fingerprints sa isang sundalo. Alam ni Chu Qiao wala syang sapat na panahon kaya, kailangan nyang kumilos ng mabilis.

***********
Summary                                                                    Chapter 2

Comments

Popular posts from this blog

Princess Agents Summary (Tagalog Translation)

Princess Agent: Chapter 5 - English Translation